Lance Raymundo matagal nang loveless pero mabenta sa foreigner?

Lance Raymundo matagal nang loveless pero mabenta sa foreigner?

NATUTUWA kami sa younger brother ni Rannie Raymundo na si Lance Raymundo dahil parang bata kapag kapalagayan na niya ng loob ang entertainment media na katsikahan niya sa tuwing may mediacon.

Sa ilang beses nang mediacon ng online series na “West Philippine Sea” o WPS na advocacy project ni Doc Michael Aragon President at CEO ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI ay ang saya-saya niyang magkuwento kung anong nangyayari sa buhay niya o latest projects niya.

Kaya raw niya tinanggap itong WPS dahil bukod sa gusto niya ang advocacy ni doc Mike ay makakasama pa niya ang Kuya Rannie niya na buong buhay niya ay kasama niya mula umaga hanggang gabi at iisang bahay pa sila nakatira, sa madaling salita hindi kaya ni Lance na mawalay sa big brother niya as in.

E, paano kung may project na hindi puwedeng kasama si kuya Rannie?

Baka Bet Mo: Rannie Raymundo excited sa ‘WPS’, bagong online series ng KSMBPI

“Ibang usapan naman ‘yun, nagkakaintindihan na kami no’n like this hosting job in India. Di ba katatapos ko lang mag-host para sa Miss Universe India sa Jaipur last September 22. Very warm ang pagtanggap nila at nagulat nga sila akala nila hindi ako PInoy. Mapapanood ‘yung sa Zee TV, pinakamalaking TV station nila,” masayang tsika ni Lance.

Ikatlong beses na raw niyang mag-host ng beauty pageant sa India nauna na ang Miss Teen International at Miss Teen Universe at dahil din sa dalawang ito kaya siya ulit ang kinuha sa Miss Universe India.

Ang tagal ng loveless ni Lance kaya’t inalam namin kung may napupusuan siyang non-showbiz o showbiz at nag smile lang siya na ibig sabihin ay waley.

Inamin niya na ang last girlfriend niya ay may lahing India/British kaya sabi namin ay pang foreigner ang guwapo at tumawa ang younger bro ni Rannie.

At heto na, mabilis din naman pala sa babae itong si Lance dahil pagkatapos pala ng Miss Universe India ay may naka-date na siya kaagad na ayaw lang niya ipasulat kung sino pero ipinakita sa amin sa Instagram at um-okey naman kami pero mas gusto namin ang nanalong si Rhea Singha.

Napa-smile si Lance sa amin, “actually siya talaga ang type ko. Pero siyempre nahiya ako, eh. Nagulat ako, in-add niya ako sa Instagram, were friends now magka-chat kami. basta balitaan kita.”

Diniretso namin si Lance kung inimbita niyang mag-dinner si Ms Universe India at napangiti siya, “naunahan siya ni (name ng naka-date niya). Kaya sa isip ko next time soon.”

So, alam na this kung ano ang tipo ng babae ni Lance Raymundo kaya pala hirap siyang makahanap dito sa Pilipinas ng babaeng gustong makasama in the future.

Ang nakakatuwa ay kinikilig si Lance habang nagkukuwento siya kay Ms Universe India at sobrang bait at ganda.

Anyway, isa pang ikinatuwa ni Lance ay hindi lang mga naggagandahang Pinay ang sikat sa ibang bansa kundi mga theater actors, singers, athletes at ito na nga hosting at isa siya ro’n.

“I’m proud to raise the Philippine flag anywhere in the world,” say ni Lance.

Samantala, back to shoot na si Lance sa WPS pagbalik niya ng bansa at nitong September 30 ginanap ang poster at promo shoot ng WPS sa isa sa bahay ng producer na si doc Mike sa Panay Avenue.

Ang ganda ng uniporme nina Lance at Rannie bagama’t nandoon sina Jacqy Rah, Massimo Scofield, Ayanna Misola ay hindi naming nakasuot sila ng uniporme pa.

Ipinakita rin ni doc Mike ang hologram na gagamitin sa WPS at kung paano ito gamitin.

Anyway, bukas na ang first shooting ng West Philippine Sea sa Intramuros at lock-in daw sila roon sabi ni Rannie dahil ayaw ni doc Mike na mahirapan silang mag-travel during the 7 days shoot dahil sa sobrang trapik.

Sab inga ni Rannie, “ganu’n kami ka-spoiled ni doc Mike, di ba ang sarap magtrabaho?”

In fairness sobrang bait nga nitong producer ng WPS kaya wish namin ay maging successful ang kanyang online series na ipalalabas sa Vivamax at iba pa.

Read more...