Thea Tolentino, Kate Valdez magkahawig, namamalikmata sa isa’t isa

Thea Tolentino, Kate Valdez magkahawig, namamalikmata sa isa't isa

KWELA ang naging atake ng Kapuso actress na si Thea Tolentino matapos niyang ibahagi ang larawan nila ng kapwa Kapuso star na si Kate Valdez.

Sa kanyang Facebook page ay ibinandera ng dalaga ang kanilang selfie na kuha sa isang cafe.

“Bilang litong-lito kayo at minsa’y kami’y namamalikmata narin,” saad ni Thea sa kanyang caption.

Pagpapatuloy pa niya, “Hi from me and Kate Valdez.”

Baka Bet Mo: Thea Tolentino ‘nakurot’ ng lola dahil sa kontrabida role: ‘Nanggigil po!’

Comment naman ni Kate, “Hahahaha pwede na mag clone sakin whahahah Thea Tolentino.”

Maging ang mga netizens ay agree sa sinabi ng dalawa na magkamukha ang Kapuso stars.

“Yes totoo dati nagugulohan talaga Ako,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Gandang Ganda Ako KY thea pag si kate napapanuod ko kala ko din si thea nakkaamiss Yung pagiging kontrabida ni thea.”

“Mi!!! Nalito ako ng 85 percent!  Miss yah Thea Tolentino .. nu na?” sabi naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “magkapatid po ba kayo?”

Read more...