Pitch Perfect star Rebel Wilson ikinasal na kay Ramona Agruma: Love wins

Pitch Perfect star Rebel Wilson ikinasal na kay Ramona Agruma: Love wins

Rebel Wilson at Ramona Agruma

IKINASAL na ang Hollywood actress at “Pitch Perfect” star na si Rebel Wilson sa kanyang jewelry designer partner na si Ramona Agruma.

Naganap ang wedding ng Australian actress at fashion designer sa Sardinia, Italy, nitong nagdaant September 28, base na rin sa kanilang joint Instagram post.

Sa mga litratong nakita namin sa social media, parehong nakasuot ng white wedding gown sina Rebel at Ramona habang magkahawak-kamay.

Ang short caption nila sa kanilang IG post ay, “Married (ring emoji) Sardinia 28.9.24.”

Baka Bet Mo: Lovi Poe hindi pa handang mabuntis at magka-baby, bakit na-delay ang honeymoon nila ni Monty Blencowe?

Matatandaang noong June 9, 2022 nang ibandera ni Rebel ang relasyon nila ni Ramona kasabay ng pagka-come out niya bilang member ng LGBTQIA+ community.

Nag-post ang aktres ng photo nila ni Ramona na may nakakakilig na caption na, “I thought I was searching for a Disney Prince… but maybe what I really needed all this time was a Disney Princess.” Sinundan pa niya ito ng hashtag na #loveislove.

Noong February 19, 2023 naman nang i-announce ng LGBTQ couple ang kanilang engagement na naganap sa Hong Kong, Disneyland.


Mismong si Rebel ang lumuhod sa harap ni Ramona para mag-propose.

Sa mga hindi pa nakakaalam, bago pa magpakasal sina Rebel at Ramona ay meron na silang anak (via surrogate), si Royce Lilian na isang taon na ngayon.

Bago nakipagrelasyon si Rebel kay Ramona, naging boyfriend muna niya ang negosyanteng si Jacob Busch at nag-break noong February, 2021.

Bukod sa “Pitch Perfect”, napanood din si Rebel sa mga pelikulang “A Few Best Men at Bridesmaids” (2011), “Bachelorette” (2012), “How To Be Single” (2016), “Isn’t It Romantic” (2017), “The Hustle” (2019), “Cats” (2019), at “Senior Year” (2022).

Read more...