Sikreto ni Pia upang maiwasang magkasakit sa gitna ng busy schedule

Sikreto ni Pia upang hindi magkasakit sa gitna ng busy schedule

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

MULA nang maging fashion influencer, kaliwa’t-kanan na fashion shows ang dinadaluhan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa likod ng ipinapakita niyang ganda at glamoroso, alam nating nakakapagod din ang ginagawa niya na patalon-talon ng event.

Minsan nga ay nabandera niya sa social media na nagkakaroon siya ng hanggang apat na shows sa isang araw.

Pero ano nga ba ang sikreto niya upang manatiling malakas ang kanyang pangangatawan?

Sa serye ng Instagram Stories, ni-reveal mismo ni Pia ang mga ginagawa niya upang maiwasang magkasakit.

Baka Bet Mo: Pia game na game sa lahat ng laban sa buhay: ‘Live life to the fullest!’

“Sauna and cold showers for recovery,” sey niya sa unang post.

Patuloy niya, “The workouts before fashion month & taking daily supplements have been so helpful in keeping my immune system strong for this crazy schedule.”

“So far I haven’t had a cold or fever (which I did get last 2 seasons of fashion week),” pagbabahagi niya.

Aniya pa, “Preparation is key!”

PHOTO: Instagram Stories/@piawurtzbach

Dagdag niya sa hiwalay na post, “15 minutes hot, 15 minutes cold. Do that 3x, just like how @jeremyjauncey taught me (blushing face emoji).”

PHOTO: Instagram Stories/@piawurtzbach

Sa kasunod na update, makikitang kakatapos lang niyang gawin ang mga mala-ritual niyang routine at kitang-kita na fresh na fresh na siya at ready na ulit sumabak sa kanyang trabaho.

“I’m feeling the endorphins already! [calm emojis],” sambit ni Pia.

Lahad pa niya, “Ok…back to work!”

PHOTO: Instagram Stories/@piawurtzbach

Noong Hulyo lamang, si Pia ang first-ever Pinay na naging ambassador ng high jewelry brand na Bulgari.

Kasama ng beauty queen sa pagiging global ambassador ng nasabing luxury brand ang ilang bigating Hollywood stars na sina Anne Hathaway, Zendaya at Priyanka Chopra.

Magugunita naman noong Mayo lamang nang tanghalin ang Miss Universe 2015 bilang “Global Fashion Influencer of the Year” sa EMIGALA Awards.

Read more...