Maymay Entrata kinabog sina Heart at Pia sa 2024 Paris Fashion Week?

Maymay Entrata kinabog sina Heart at Pia sa 2024 Paris Fashion Week?

Pia Wurtzbach, Heart Evangelista at Mayday Entreat

KINABOG nga ba ni Maymay Entrata ang fashionistang aktres na si Heart Evangelista sa pagrampa nito sa 2024 Paris Fashion week?

Viral ang video at mga larawan ni Maymay na ipinost ng ABS-CBN Star Music head na si Roxy Liquigan sa kanyang Facebook account habang rumarampa sa harap ng invited guests sa ginanap na Paris Fashion week at pinik-up pa ito ng iba’t ibang showbiz website.

Bukod sa pagrampa ay may production number at kinanta nito ang hit song niyang “Amakabogera” na mayroon ng 26 million views sa YouTube dalawang taon na ang nakararaan.

Ang caption ni Roxy, “Wow! The original kabogera herself Maymay Entrata #ParisFashionWeek2024 #MaymayEntrata.”

Baka Bet Mo: Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Mula naman sa Instagram account ng Star Magic ang caption sa mga larawan ng singer-actress ay, “#Maymay is literally one golden gal at the Paris Fashion Week in her Leo Almodal gown embellished in gold!

“Here she is with Leo Almodal himself and a fellow model who is also adorned in gold. #TatakStarMagic #StarMagic #ParisFashionWeek.”


Ang ilang reaksyon ng netizens:

”The walk made the gown even more Royal!. Huhuhu tailored fit for a Goddess.”

“Elegant, cute at kalog ang personalidad ni Maymay. I love it”

“Maymay kabogerang tunay.”

Anyway, kaya namin nabanggit na kinabog ni Maymay si Heart ay dahil wala kaming napanood ni isang video o larawang rumampa si Mrs. Escudero sa loob ng gusali kung saan ginaganap ang Paris Fashion Week na dinadaluhan niya noon every year to promote different brands.

Ito’y dahil nga parating sa kalsada o kalye sa Paris lang namin siya nakitang rumampa kumpara kay “Amakabogera” artist na hinangaan ng lahat.

May bumulong din sa aming editor na, “Daig nga rin ni Maymay si Pia (Wurtzbach) na sa kalye rin rumarampa.”

“Talaga?” sagot namin at sabay check ng IG account ni Queen Pia at oo nga, sa kalye rin rumarampa si 2015 Miss Universe para sa promo ang iba’t ibang luxury brands.

Bagay nga kay Maymay ang kanta niyang “Amakabogera.”

Read more...