NAGBIGAY-PUGAY ang ilang veteran OPM singers sa pagkamatay ng folk singer na si Coritha.
Kabilang na riyan sina Freddie Aguilar, Jim Paredes, Bayang Barrios, Cooky Chua at Jesse Bartolome.
“Pumanaw na ho si Coritha mga kababayan. Taos puso akong nakikiramay sa kanyang mga naiwan. May she rest in peace,” sey ni Freddie sa kanyang Facebook post, kalakip ang isang throwback picture ni Coritha.
Baka Bet Mo: Mga miyembro ng OPM may benefit show para makatulong kay Coritha
Caption naman ni Cooky, “Paalam, Ma’am Coritha. Salamat sa musika.”
Pakikiramay naman ni Bayang, “Paalam, Coritha! Salamat sa iyong mga awitin.”
Sa comment section, makikita ang mensahe ni Jim para ay Coritha, “See you in OPM heaven.”
Nagbigay rin ng kanyang condolences si Jesse at inanunsyo na magkakaroon siya at ang ilang mga kaibigan ng tribute concert para sa naiwang pamilya ni Coritha.
Ang malilikom na pera ay ibibigay sa partner ng yumaong singer na si Chito Santos.
“We sympathize and condole with the family, friends, and fans of Ma’am Coritha,” caption ni Jesse.
Patuloy niya, “Above all to her partner whose love for her is greater than his life. We have witnessed their life and love for each other.”
“This coming Oct. 12, I and some of my friends will do a tribute concert for the legendary Pinoy Folk Icon because of our love for her. Beneficiary of the proceeds will be sent to her partner in life Mr. Chito Santos,” wika niya sa FB.
Si Coritha ay pumanaw dahil sa matagal nang iniindang sakit na kung saan siya ay bedridden na at hindi na nakakapagsalita dahil sa stroke.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ni Chito sa pamamagitan ng broadcaster na si Julius Babao.
Ang yumaong batikang mang-aawit ay kilala sa hit songs na “Oras Na,” “Lolo Jose” at “Sierra Madre.”
As of this writing, wala pang detalye kung kailan magkakaroon ng one-day viewing para sa fans ni Coritha.