John Amores negative sa gunpowder test

John Amores negative sa gunpowder test

NEGATIBO ang naging resulta ng isinagawang gunpowder test ang NorthPort Batang Pier player  na si John Amores ayon sa resulta ng kanyang paraffin test ngayong araw, September 27.

Sa naging panayam kay Police Major Bob Louis Ordiz, parehong kamay ng basketbolista ang nag-negatibo sa naturang test ngunit nilinaw ng opisyal na hindi ito nangangahulugang hindi nagpaputok ng baril ang basketbolista.

“May iba-ibang factors kung kung bakit walang presence ng gunpowder nitrate. Puwedeng maging factor doon ‘yung dahil nasa outdoor siya, wind temperature at angle ng firing,” saad ni P/Maj Ordiz tungkol sa naging test kay John.

Nabanggit rin ng otoridad ang nakuhang CCTV footage pati na rin ang mga testimonya ng mg witness na magiging ebidensya laban sa basketbolista.

Baka Bet Mo: PBA player John Amores sumuko na sa PNP matapos mamaril sa Laguna

“May CCTV footage naman tayo at statements ng mga witnesses, na sinasabing si John Amores ang suspect sa shooting incident,” pagpapatuloy pa ni P/Maj Ordiz.

Samantala, nakapagpasa na umano ng kaso si Assistant Provincial Prosecutor Maria Victoria Cayab sa Municipal Circuit Trial Court ng Lumban, Laguna kasunod ng inquest proceeding ng magkapatid na Amores noong Huwebes, Setyembre 26, 2024.

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, maaaring magpiyansa si John ng halagang ₱24,000 habang ₱10,000 naman para sa nakababata niyang kapatid na siyang nag-drive ng sinasakyan nilang motor nang habulin nila si Lee.

Maari namang makulong ng anim hanggang 12 taon ang basketbolista sakaling mapatunayang guilty sa attempted homicide.

Read more...