USAP-USAPAN sa social media si Nadine Lustre, pati na rin ang magdyowang sina James Reid at Issa Pressman.
Maraming netizens kasi ang nakapansin na naka-unfollow na si Nadine sa celebrity couple.
Siyempre, chineck agad ito ng BANDERA at very true nga na hindi na namin makita sa following list ni Nadine ang dalawa.
Pero nang tingnan naman namin ang IG accounts nina James at Issa ay nandoon pa rin sa kanilang listahan ang aktres.
Baka Bet Mo: Wish ng JaDine fans binasag ni James Reid, ayaw nang makipag-loveteam
Recently lamang, nag-open up si James sa showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol sa relasyon nila ni Nadine.
Ayon kay James, okay sila ng dating girlfriend at wala silang isyu.
Kasunod niyan ay ipinagtanggol ng aktor ang kanyang current girlfriend dahil until now ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyung inagaw ni Issa si James kay Nadine.
Inamin ng singer-actor na labis siyang naapektuhan dahil sa mga natatanggap na pamba-bash sa kanila ng girlfriend.
“It’s been a very difficult year for me, also for Issa and I’m sure for Nadine also just with all the noise, all of the bashing. Sana people can move on from all of that,” sey ni James.
Pahayag pa niya, “To be very honest, for me witnessing all the bashing nakaka-depress siya to be honest. And I hope people can move on and just please give us peace of mind.”
Kung matatandaan, taong 2020 nang kinumpirma nina James at Nadine ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng isang joint statement.
Samantala, tulad ni James ay masayang-masaya na rin si Nadine sa kanyang pag-ibig na isang French businessman na si Christophe Bariou.