ALL-OUT din kung magmahal ang OPM icon na si Dulce kaya naman ilang beses din siyang nasawi at nalugi sa larangan ng pag-ibig.
Sa dami ng naging karanasan ng veteran singer when it comes to love, napakarami rin niyang natutunan sa pakikipagrelasyon na isine-share niya sa kanyang limang anak.
Ayon kay Dulce, palagi niyang ipinagdarasal na maging maayos ang buhay ng mga ito lalo na kapag nagkaroon na sila ng sariling mga pamilya.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa tinaguriang Asia’s Timeless Diva ay natanong siya kung ano ang pinakamahalagang aral na natutunan niya sa usaping pag-ibig.
Sagot ni Dulce, “Mahalagang leksyon. Kasi ayoko ring sabihin ‘yung ‘wag mo ibigay lahat, magtira ka sa sarili mo.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin masaya sa ‘bagong pag-ibig’ ni Nadine: She deserves to be happy!
“Laging sinasabi sa ‘kin kasi, ‘Magtira ka naman sa sarili mo, lagi kang todo bigay.’ But ano ang kuwenta ng love kung hindi mo rin naman ibibigay ang lahat?” katwiran niya.
Patuloy ni Dulce, “Kung anuman ‘yung mga kasawiang nangyayari wala rin akong sinisisi, wala rin akong pinagsisisihan.
“Nangyari ang mga nangyari and para sa akin ituloy mo ang buhay, bumangon ka. Bangon. Tuloy ang buhay. Just move on,” aniya pa.
Sabi pa ni Dulce, ibang usapan din kapag may mga anak na dahil hindi lang ang sariling kapakanan ang kailangan mong isipin at bigyang halaga.
“Laging lumaban, lalo na meron kang mga anak na kailangan nandiyan ka, you’re a pole eh. Ikaw ‘yung pwede nilang hawakan lalo na’t mga bata pa sila,” sabi pa ng beteranang singer.
Ano naman ang mga payong ibinibigay niya sa kanyang mga anak pagdating sa usaping love and relationship? “Wag silang gumaya sa akin na ako’y hulog lang nang hulog noon, in love nang in love tapos ako lugi, di ba?
“Malala pa raw ako sa bakla sabi nila, kasi I want to give, ganun daw ako. Eh wala eh, ‘yun na nga ‘yun eh, talagang nagmahal ka.
“Kung nasa sitwasyon na kung kailangan mong maging ikaw na rin man of the house, ginagawa mo. Nangyari ‘yun. Wag na sanang maulit sa mga anak ko,” mariing sabi ni Dulce.
Nang tanungin ni Tito Boy kung kumusta na ang kanyang puso ngayon, “Pag-ibig ko na lang si Lord. Sobra sobra. Kasi parang sa edad ko, Boy, para bang tama na. Di ba? Kapuy (pagod) na uy.”