Carla nasa perimenopausal stage na sa edad 37; hirap na hirap magpapayat

Carla nasa perimenopausal stage na sa edad 37; hirap na hirap magpapayat

Carla Abellana

SA edad na 37 ay nasa “perimenopausal” stage na ang Kapuso actress na si Carla Abellana at limang taon nang nagsa-suffer sa “hypothyroidism.”

Iyan ang naging rebelasyon ni Carla tungkol sa health condition niya ngayon na ibinahagi niya sa publiko sa pamamagitan ng social media.

Kuwento ng Kapuso star, five years na siyang nakikipaglaban sa hypothyroidism at kinumpirma ngang nasa perimenopausal stage na siya.

Ang “perimenopausal” ayon sa isang health website ay ang nararanasang iregularidad sa pagdating ng regla bago ang tuluyang paghinto nito.

Baka Bet Mo: Ria Atayde sinupalpal ang mga body-shamer: ‘I have hypothyroidism, I have no gallbladder’

Kung minsan, three weeks pa lang ay dumarating na ang regla at may pagkakataon namang wala ng isang buwan. May ilang pasyente na hindi dinaratnan ng anim na buwan, ngunit biglang bubuhos oras na muli itong reglahin.


Ayon sa IG post ni Carla, “Hypothyroidism has been the bane of the past 5 years of my life. My hormones were nowhere within normal range, cortisol level was extremely high for so long.

“I was practically perimenopausal at 37 years of age, and despite fasting (more like starving myself already), along with regular and stringent workouts, I was still gaining weight constantly.

“5 years. 5 Doctors. Numerous tests over the years. Countless medication in all sorts of combinations. Hundreds of thousands of pesos. Nothing seemed to really work long term,” simulang pagbabahagi ng aktres sa kanyang kundisyon.

Dagdag pa niya, “Unless you have Hypothyroidism, you’ll never know what the struggle, frustration, embarassment, worry and desperation is like.

“Most especially if weight and appearance are key factors in your line of work,” sey pa ni Carla.

“October of last year i had very little (but just enough) hope to once again shift Doctors. I chanced upon @roland_angeles_md online and read that he has a record- almost all patients losing a certain % of weight in just a month.


“So i immediately set an appointment. I came in and really felt that i would break that record of his.

“I knew he would be challenged by my condition. And I was right. I was one of the very few patients he’s had who DIDN’T lose weight in a month,” pagbabahagi pa ni Carla na nagsabing may part 2 pa ang pagsasapubliko ng kanyang health update.

Samantala, technically ay pareho nang single si Carla at ang ex-husband niyang si Tom Rodriguez dahil kinikilala na ngayon sa Pilipinas ang divorce ng mag-asawang Filipino na pinawalang-bisa sa ibang bansa.

Ayon sa Supreme Court, ang nadesisyunan nang foreign divorce decrees ay hindi na kailangan ng judicial proceedings sa ibang bansa para kilalanin sa Pilipinas.

Sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, nagdesisyon ang Supreme Court En Banc, na ang mga korte ng Pilipinas ay maaa­ring kilalanin ang mga diborsyo na nakuha sa ibang bansa, sa pamamagitan man ng legal o administrative process ng mutual agreement

Kaya naman pasok na pasok na rito ang kasi nina Tom at Carla.

Read more...