NAGSIMULA na kahapon ang pagbabalik ng award-winning lifestyle and travel show na “I Heart PH” sa bago nitong tahanan sa GMA Network via GTV, tuwing 10 a.m..
Napanood namin ang pilot episode ng bagong season ng programa yesterday, at muli nga itong naghatid ng good vibes at mga karagdagang kaalaman, hosted by Valerie Tan with co-host Rovilson Fernandez.
Sa mga susunod pang episode ng “I Heart PH” patuloy na ipakikita ang ganda ng Pilipinas para makatulong sa pag-unlad ng turismo sa bansa gamit ang campaign nitong “Love The Philippines.”
“Our country is blessed with amazingly beautiful natural resources and environment,” ang sabi ni TV8 Media Business Unit Head Vanessa Verzosa sa naganap na presscon ng show kamakailan.
Baka Bet Mo: Valerie Concepcion inaming sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak pero…
“That’s why we never run out of features. There are still more beautiful places that have never been feautured in the mainstream media . And we want to showcase them through our program,” aniya pa.
At siyempre, super thankful naman si Valerie sa kanyang pagbabalik sa una niyang naging tahanan, ang GMA 7 via QTV na ngayon ay GTV na. Siya ang nanalo noon sa reality show na “May Trabaho Ka” kaya nagkaroon siya ng pagkakataong maging TV host.
Sabi ni Valerie, “I will be forever grateful to GMA, the Network paved the way to my dream job as I get to do what I love since I was a kid. Now, I get to travel around, seeing beautiful places and meeting people from all walks of life. Connecting with them, and sharing their stories to our viewers.”
At sa kanilang bagong season, dadalhin tayo ng “I Heart PH” sa iba’t ibang lugar sa bansa tulad ng Bohol na kilalang-kilala sa kanilang Chocolate Hills, tarsiers, heritage sites, old stone churches at iba pang natural and man-made wonders.
“Bohol is just one of our initial features, more scenic spots are on our list. But more than the physical beauty. The true wealth of our country is us-the Filipino people. I truly enjoy hearing different stories of struggles and triumps that are uniquely Pinoy,” sabi pa ni Valerie.
Ayon naman sa direktor ng show na si Jallawee Beritan, “’I Heart Ph’ is not just about travel it’s all about the Pinoy lifestyles. For this new season, the magazine focuses on one of human’s basic necessities- shelter.
“Apparently, this is also one of the country’s major social issues. Fact is, the Philippines is in the top 10 countries with the most number of homeless people in the world for 2024.
“Ito’y base na rin sa data ng Organization for Economic Development (OECD). Our show will not delve into political and social issues,” lahad pa ni Beritan.
Dagdag pa niya, “Still our commitment is to showcase world class visual narratives to our viewers. That do not only feed their senses but their soul.”
Ang “I Heart PH” ay magtatampok din ng mga bahay, tips at payo sa pagpapatayo at para na rin ma-improve ang kanilang mga bahay.
Mula sa do-it-yourself (DIY) mula sa pagpapagawa hanggang sa pagpapa-repair ng bahay, sa tulong ng mga ekspertong architects, interior designers at ng iba pang influencers na kanilang inimbitahan.
“Our goal is very clear, to share good vibes and inspire our vievers with our feel-good show, ‘I Heart PH,'” ang sey pa ni Valerie.
Samantala, marami ang nakapansin sa naganap na presscon ng show na malaki ang pagkakahawig ni Valerie sa actress-singer at TV host na si Toni Gonzaga.
Kaya naman tinanong siya kung ano’ng feeling na naikukumpara siya kay Toni, “She’s an amazing host and actress as well, and to me it’s a compliment na naaalala nila si Toni when they see me.”