‘I Heart PH’ ni Valerie Tan mapapanood na sa GTV sa September 22

'I Heart PH' ni Valerie Tan mapapanood na sa GTV sa September 22

ANG tarush ng “I Heart PH”, ang Lifestyle at Travel show na hino-host ni Valerie Tan na napapanood dati sa CNN ay mapapanood na ang 9th season sa GMA 7 GTV tuwing Linggo simula bukas Setyembre 22 sa ganap na 10AM.

May ganito palang programa si Valerie na umabot na sa 9th season pero hindi gaanong matunog? Kaya tinanong namin ang TV8 Media producer ng I Heart PH na si Vanessa Verzosa na siya ring nasa likod ng programang ga programang Business Matters hosted by Pinky Webb, at Dear SV ni Sam Verzosa kung bakit hindi gaanong maingay ang show.

Pag lifestyle at travel show daw ay aminadong hindi ito gaanong nababasa sa entertainment pages kas inga wala namang isyung pag-uusapan lalo na’t sa CNN ito umeere noon?

Pero ngayong nalipat na sila sa GMA 7 GTV ay baka mabasa na rin sila sa entertainment lalo’t nasimulan na nilang i-launch ito nitong Martes, Setyembre 17 sa B Hotel, Scout Rallos St, Barangay Quezon City.

Baka Bet Mo: Kim abangers na sa mas marami pang ‘exciting part’ ng pag-ere ng Showtime sa GTV: ‘It’s spicy…embrace the change and be happy’

Balik-tanaw ni Vanessa na itong I Heart PH ang unang show na itinayo ng TV8 Media noong 2016 at aminadong hindi naging madali dahil may mga ups and downs silang na-encounter pero tuluy=tuloy pa rin sila hanggang sa naging okay na at dumami na ang mga programa nilang pino-produce na halos lahat ay umaarangkada na.

“TV8 Media was established not just to make money but to share stories of life, inspiration and hope,” say ni Vanessa.

Inamin din sa aming nanggaling siya sa programang Rated K ni Korina Sanchez bilang researcher hanggang sa tumaas ang posisyon na aminadong marami siyang natutunan in terms of TV production at ang gaganda ng experience niya. Dahil sa mahusay at maraming naging kuneksyon ay tinagurian siyang Vanessa of Rated K.

Bungad ni Valerie sa ginanap na mediacon, “We are so excited to share with everyone that our lifestyle show I Heart PH Season 9 will air in its new home GMA GTV. It will be on September 22, Sunday 10 AM and on the next day merong streaming on GMA’s YouTube channel and will also air on GMA Life TV. I’m very, very proud of the show kasi for so many years and after the pandemic we are still here.”

Dagdag pa, “The show is to really inspire the Filipinos kaso so many bad news all around all we wanted is kahit 30 minutes lang ay meron tayong good vibes na (offer) at talagang ma-capture namin ang tibok ng PUsong Pinoy. And also gusto ko lang din ipagyabang na ang I Heart PH ay produced ng TV8 Media, it is an award winning production company.”

At ngayong 2024 ay nominado ang TV8 Media Production sa ContentAsia Awards na ayon sa report ay ito ang unang blocktime producer na cited ng isang international award giving body dahil sa magandang nilalaman nito tulad nitong Dear SV at Business Matters na parehong nominado sa Best Current Affairs Programme Made in Asia for a Single Market in Asia” category.

Kaya alam na kung bakit umabot sa siyam na taon ang “I Heart PH” ay dahil nakaka-relate ang masa sa mga episodes ng programa.

Sa ginanap na mediacon ay may invited guest legit architects cum social media influencers kung saan nakapagtanong ang media kung ano ang mga dapat gawin para makapagpatayo ng bahay na matagal na pinangarap.

Kasama ring host ni Valerie sa I Heart PH ang kilalang si Rovilson Fernandez na nakilala sa mga programang Ang PInaka (2005-2020) na umere sa QTV at GMA news kasama si Pia Guanio, Asia’s Got Talent (2015-2019) at Dare Duo with Marc Nelson since 2009.

Read more...