NAPANOOD na namin ang launching film ng tambalang Kira Balinger at LA Santos na “Maple Leaf Dreams” sa special celebrity at press screening nito last Friday, September 20, sa Gateway 2 Cinema 12.
In fairness, agree kami sa mga nabasa naming review na parehong magaling ang magka-loveteam sa pelikula at siguradong makaka-relate ang lahat ng OFW sa kuwento nito pati na ang kanilang mga pamilya.
Isa kami sa mga umiyak habang pinanonood ang “Maple Leaf Dreams” na idinirek ni Benedict Mique dahil relate much kami sa istorya at tema nito lalo pa’t sa Canada na ngayon naninirahan ang aming bunsong kapatid na si Joyce Santiago kasama ang kanyang sariling pamilya.
Baka Bet Mo: LA, Kira ‘extra challenge’ sa shooting ng ‘Maple Leaf Dreams’ sa Canada
Ang isa pang nakababatang kapatid namin na si Dave Santiago ay nasa Australia naman at doon na rin namumuhay with his own family. Kaya naman tagos na tagos sa aming puso ang bawat eksena ng “Maple Leaf Dreams.”
Ang movie nina Kira at LA ay naging official entry din sa katatapos lamang na Sinag Maynila Film Festival 2024 kung saan napansin din nang bonggang-bongga ang kanilang akting.
Sa Best Actor category ay apat lamang ang nominated, sina LA, Ronnie Lazaro, Bryan Wong at Tony Labrusca. Si Ronnie ang nagwagi sa naganap na Gabi ng Parangal.
Si Kira naman ang tanging nakalaban ng veteran actress na si Rebecca Chuaunsu (para sa pelikulang Her Locket) na siyang nagwaging best actress. Pero kahit na parehong natalo sina Kira at LA, feeling winner na rin sila sa nakuhang nomination.
Pagkatapos naming mapanood ang pelikula, hindi namin kukuwestiyunin kung nanalo ng award sina Kira at LA sa Sinag Maynila dahil nabigyan naman nila ng hustisya ang kanilang mga karakter bilang struggling couple na nagdesisyong iwan ang buhay sa Pilipinas para makipagsapalaran sa Toronto, Canada.
Sa naganap na presscon after ng screening ay natanong sina Kira at LA kung anong reaksyon nila na tila na-preempt nila ang “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na sa Canada rin kinunan.
Sabi ni LA, “Ako siguro, sobrang happy ako na masasabi kong nag-Canada (shooting) kami nina Alden at saka ni Ms. Kathryn.
“I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga yung makapunta sa Canada,” sabi ng aktor.
Para naman kay Kira, “Para sa akin I believe that every OFW story is different. I mean, we may have the same location po as Hello, Love, Again.
“Pero malay po natin baka na magiging sad yung ending nila, sa amin happy. I believe that every OFW story deserves to be told and that they are all different,” katwiran ng dalaga.
Sey naman ni Direk Benedict Mique, “I think the more OFW stories na mapapalabas is more beneficial sa ating mga kababayan, kasi there are so many stories to be told and to be shared.
“And I think the more na we support Filipino film na ganito, it is the more na sinusuportahan yung mga kamag-anak natin, ang mga mahal natin sa buhay abroad. Because this is their story,” chika ng direktor.
Kasama rin sa “Maple Leaf Dreams” sina Joey Marquez, Ricky Davao, Snooky Serna, Malou Crisologo, Jef Gaitan, Jong Cuenco, Hannah Thalia Vito, Luke Alford, Kanishia Santos, Benito Mique, Wilson Martinito at si Miss International 2013 Bea Rose Santiago.
Showing na ang pelikula sa mga sinehan nationwide simula September 25 at sa September 27 naman ay mapapanood na ito sa ilang major cities sa Canada tulad ng Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton at Vancouver.
“Maple Leaf Dreams” is produced by 7K Entertainment, Lonewolf Films and ABS-CBN Star Magic, distributed by Quantum Films in the Philippines and Robe Entertainment in Canada.