BINI Jhoanna nag-intern sa bagong docuseries ng ABS-CBN

BINI Jhoana nag-intern sa bagong docuseries ng ABS-CBN

PROUD na ibinandera ng Kapamilya news anchor na si Jeff Canoy ang pinakabago nilang intern na si BINI Jhoanna Robles sa ginagawa nilang bagong Kapamilya docuseries.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang isang video clip pati na rin dalawang larawan kasama ang dalaga naa kuha behind-the-scene.

Ang naturang bagong docuseries kung saan naging parte si Jhoanna ay ang “Chapter 1: Born To Win.”.

“May naging intern kami nina Direk @jetbleyco while filming the @bini_ph docuseries,” saad ni Jeff sa caption.

Baka Bet Mo: BINI Jhoanna nagulat sa milyong views ng ‘Cherry On Top’: ‘Grabe kayo!’

Dagdag pa niya: “I think may future itong batang ‘to. Magaling din daw kumanta at sumayaw.”

Makikita namang nag-comment si Jhoanna sa post ng Kapamilya news anchor.

“When po start ko? CHARIZ HAHAHAHA,” sey ng dalaga.

Birong reply naman ni Jeff, “@bini_jhoanna November 16-18 pero busy ka ata sa mga araw na ‘yon ”

Agad ring umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens lalo na sa mga BLOOMS (tawag sa mga tagasuporta ng BINI) ang naturang post ni Jeff.

“Master Jho a leader indeed , thinking na anjan sya sa shoot ng mga kasama nya to guide and support them,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “jhornalist’s comeback, omggg”

“Dami pong sideline nang Master Jhoanna namin miss na miss na namin yan lagi lagi,” sey naman ng isa.

Mapapanood na ng madlang pipol ang naturang docuseries ngayong darating na September 26 sa iWantTFC ngunit magkakaroon rin ng advance screening sa September 23 sa Gateway Cineplex Cinema 11 at may tatlong screening time (1PM, 4PM, at 7pm).

Read more...