PORMAL nang inilunsad ang “Metro Manila Film Festival Sine Sigla sa Singkwenta” o “50@P50” kasabay ang unveiling ng mural sa kahabaan ng EDSA para sa 50th edition ng taunang filmfest.
Through “Sine Sigla sa Singkwenta,” the public can watch iconic MMFF movies from the past 50 years on the big screen for a very affordable price of P50.
A total of 50 MMFF movies spanning a variety of genres—drama, comedy, action, horror, romance, adventure, historical, musical, and fantasy—to cater to different audience, will be shown in selected cinemas nationwide from September 25 to October 15.
“With the Sine Sigla sa Singkwenta screenings, we will bring some of the most memorable MMFF films back to the big screen for just 50 pesos, allowing both new audiences and long- time fans to experience the magic of those beloved films once again.
Baka Bet Mo: ‘My Teacher’ ni Toni Gonzaga ni-require na panoorin sa isang eskwelahan, netizen umalma
“These films represent the very best of what the MMFF has offered over the past five decades,” ayon kay MMDA Acting Chairman at MMFF Overall Concurrent Chairman na si Atty. Don Artes.
In-unveil din ang mural painting ng 16 MMFF stars kahapon, September 19, sa dating gusali ng MMDA sa EDSA, Makati City.
Makikita sa unang sultada ng MMFF mural ang mga mukha ng ating movie icons na sina Dolphy, Eddie Garcia, Gloria Romero, Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon, Maricel Soriano, Vic Sotto, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Vice Ganda, Amy Austria, Cesar Montano, Joseph Estrada, Anthony Alonzo, at Fernando Poe, Jr..
Ayon kay Chairman Artes may naging criteria sila kung paano pinili ang 16 MMFF stars para mapasama sa nasabing mural painting, “Unang-una po, iyan ang mga Hall of Famers natin. Mga aktor doon sa mga pelikula na naging topgrossers.
“Iyon po yung ating naging criteria. Either awardee po sila as best actor, best actress. Or kahit hindi po sila nagkaroon ng award bilang best actor, best actress.
“Yung kanila pong pelikula ay topgrosser po sa MMFF. So, yon po yung naging criteria namin. Alam n’yo po, 50 taon po ang MMFF. Hindi po namin kayang ipinta lahat sa isang mural dahil napakarami po naman na magagaling na aktor, aktres.
“Alam ko po, may mga magku-question lalo na iyong mga fans pero pagpasensyahan niyo po, ito po yung napagdesisyunan namin.
“I take responsibility for it dahil ako po ang nag-approve. Pero based on that, pinili po namin yung ano lang namin na malaki yung kontribusyon sa MMFF,” esplika niya.
Mahigit 50 murals pa ng mga MMFF movie posters ang ibabandera sa kahabaan ng EDSA sabi ni Artes, “Meron pong sariling poster ang Panday. So, ito (unang mural) naman po ay isa lamang. Marami pa po yan.”
Magkakaroon din daw ng sariling poster ang iba pang mga nagmarka sa MMFF tulad nina Bong Revilla, Ai Ai delas Alas, Judy Ann Santos at Aga Muhlach.
Ilan sa mga makikiisa sa mural painting ay sina AG Sano at Sim Tolentino, kasama si Phonsie Castañeda as creative director.
Present din sa naganap event sina National Artist Ricky Lee, MOWELFUND chairman Boots Anson Roa-Rodrigo, MMFF executive director Atty. Rochelle Ona, Joel Saracho, Direk Paolo Villaluna, Direk Marlon Rivera, Direk Richard Somes, Dan Morales, at iAcademy CEO Raquel Wong.
Narito naman ang kumpletong listahan ng 50 MMFF movies sa “Sine Sigla sa Singkwenta” na mapapanood sa halagang P50, sa mga sinehan ng SM Cinema, Robinsons Movie World, Ayala Malls Cinema, Megaworld Cinemas, Gateway Cineplex 18, Fisher Box Office, Shangri-La Plaza Cinema, Red Carpet Cinema, at Vista Cinema.
1) Insiang
2) Mano Po
3)Jose Rizal
4) Crying Ladies
5) Ang Panday (1980)
6) Big Night
7) Ang Tanging Ina Mo
8) Minsa’y Isang Gamu-Gamo
9) Langis at Tubig
10) Blue Moon
11)Ang Panday (2009)
12) Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon
13) Walang Forever
14) Bulaklak ng Maynila
15) Moral
16) Himala
17) Captain Barbell (1986)
18) Kung Mangarap Ka’t Magising
19) Ang Alamat ng Lawin
20) Ang Larawan
21) Shake, Rattle, and Roll II
22) Atsay
23) Mga Bilanggong Birhen
24) Kung Mawawala Ka Pa
25) Die Beautiful
26) Agila ng Maynila
27) Manila Kingpin the Untold Story of Asiong Salonga
28)May Minamahal
29) Sunday Beauty Queen
30) Magic Temple
31) Ang Babae sa Septic Tank 2
32) Brutal
33) Markova
34)Miracle in Cell No. 7
35) Shake, Rattle, and Roll 1
36) Darna (1991)
37) Bad Bananas sa Puting Tabing
38)Karnal
39)Tanging Yaman
40) Firefly
41) Bonifacio ang Unang Pangulo
42) Karma
43) One More Try
44) Imortal
45) Kasal, Kasali, Kasalo
46)Okay Ka Fairy Ko
47)Yamashita the Tiger’s Treasure
48) Gandarrapido Revenger Squad
49) Feng Shui II
50) Rainbow’s Sunset