Pinky Amador hinarap ang lolang galit na galit sa kanya

Pinky Amador nakipagkita sa lolang galit na galit sa kanya

Lola Virginia at Pinky Amador

SA WAKAS, nakilala na rin nang personal ni Pinky Amador ang lolang galit na galit sa kanya dahil sa kasamaan niya sa Kapuso hit series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Kung may isang artista ngayon na talagang kinamumuhian at kinasusuklaman ng mga manonood, yan ay walang iba kundi si Pinky.

Ganu’n ka-effective ang pagganap niyang kontrabida sa “Abot-Kamay Na Pangarap” na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Kris binigyan uli ng tribute si Noynoy Aquino: We’ll miss you forever!

In fairness, bukambibig ngayon ng mga Kapuso viewers all over the universe ang karakter ni Pinky sa naturang serye – si Moira o Morgana, ang salbaheng ina ni Zoey na ginagampanan ni Kazel Kinouchi.

Galit na galit ang mga manonood kay Moira simula pa noong mag-start ang programa dahil sa pang-aapi nito sa mag-inang Lyneth at Analyn (Carmina at Jillian).


Isa na nga riyan ang isang lola mula sa Pampanga na si Lola Virginia na nag-viral sa social media dahil sa video niya kung saan makikitang inaaway at tinatalakan niya si Moira/Morgana habang nanonood ng “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Sa Instagram account ni Pinky, makikita ang kanyang reel, kung saan mapapanood ang ang face to face na tarayan at talakan nila ni Lola Virginia.

Napanood ang kabuuang kuwento nito sa nakaraang episode ng “Dapat Alam Mo” sa GTV na talaga namang kinaaliwan ng mga supporters ng “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Sabi ni Pinky, natutuwa siya kay Lola Virginia dahil wala raw itong pinalampas na episode ng kanilang serye at talagang nagbi-video pa ito kapag may mga eksena siya kasama sina Jillian at Carmina.

Pagkatapos nilang makapag-usap ng lola, nag-TikTok pa sila na naka-post na rin ngayon sa Instagram ni Pinky.

Kinaaliwan din ng netizens ang bonding ng lola ni Kazel Kinouchi at ni Pinky sa set ng kanilang serye dahil kung si Lola Virginia ay bwisit na bwisit kay Moira, fan na fan naman si Lola Pacita sa kontrabidang aktres.

Read more...