Rhian suportado si Sam Verzosa sakaling tumakbong mayor ng Maynila

Rhian suportado si Sam Verzosa sakaling tumakbong mayor ng Maynila

Rhian Ramos ất San Verzosa

TODO ang ibibigay na suporta ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sakaling magdesisyong tumakbo uli sa 2025 elections ang partner niyang si Sam Verzosa.

Balitang isa sa mga tatakbong mayor sa Maynila si Cong. Sam na kasalukuyang representative ng Tutok To Win Party-List at ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang posibleng banggaan nila ng dating alkaldeng si Isko Moreno.

Kaya naman natanong si Rhian ng members ng media tungkol dito sa naganap na thanksgiving party at birthday celebration ng kanyang boyfriend sa MLQU Basketball Covered Court sa Quiapo, Manila.

Baka Bet Mo: Michelle Dee maraming pasabog sa Miss Universe 2023: ‘Nililigawan ko talaga yung pang-5 korona ng Pilipinas’

Sabi ni Rhian, full support ang ibibigay niya sa host ng public service show na “Dear SV” sa GMA 7, kung ito talaga ang gusto nitong gawin.


“Kung iyon ang destiny niyang talaga, support naman ako doon, eh.I have to be honest never ko iyang naisip the whole time I was growing up.

“Never ko naisip na ito ay mangyayari sa buhay. Hindi ko talaga siya naging dream pero kung doon niya mapu-fulfill iyong purpose niya then support ako roon,” pahayag pa ng Kapuso star.

Samantala, isa pa sa sinagot ng celebrity couple ay kung anu-ano ang mga qualities na talagang gustung-gusto at ina-admire nila sa isa’t isa.

“Si Rhian ang pinakamatalinong tao na nakilala ko at sobrang pure ng puso at damdamin.

“Dahil sa kanya, mas lalo akong naging mabuting tao. Doon ako sobrang na-attract at napamahal sa kanya,” sagot ng kongresista.

Sey naman ni Rhian, “Nakikita ko naman kay Sam is he really has the purest, most golden heart.

“He always has treated me with so much respect from day one. Marami talaga akong natututunan. I’m a big admirer,” dagdag ng actress.


Nauna rito, nausisa rin ang celebrity couple tungkol sa pagpapakasal, may wedding bells na bang maririnig ang kanilang supporters anytime this year or next year?

Sagot ni Rhian, “Mahaba pa ang life. Hindi naman kami nagmamadali. Darating din ‘yan.”

Agree naman dito si SV, “Lahat may tamang panahon. Darating po ‘yan. Siyempre ‘yung future namin, napapag-usapan namin. We’re both mature individuals.

“Tinitingnan namin ‘yung future namin kasi kaya nga kami nagsasama para planuhin ‘yung magandang future namin. Dahil sa growth na nangyari, alam na namin ang gusto at ayaw namin sa isa’t isa,” sabi pa ni Sam Verzosa.

Read more...