Sophie, Vin inakalang boy ang ika-2 anak: Baby Tiny is a girl!

Sophie, Vin inakalang boy ang ika-2 anak: Baby Tiny is a girl!

Sophie Albert, Vin Abrenica at Avianna Abrenica

BISI-BISIHAN ang celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa pagpe-prepare ng nursery room para sa kanilang second baby.

Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi ng mag-asawa ang naganap na simple and intimate gender reveal for their second child na tinawag nilang “Baby Tiny”.

Pagbabahagi ni Sophie habang inaayos ang mga gamit sa nursery room ng ikalawa nilang baby, “I’m on my third trimester, officially, so the nesting season has begun.”

Sa isang bahagi ng video, ipinasilip nina Sophie at Vin ang pagbisita nila sa ultrasound clinic kung saan din naganap ang gender reveal.

Baka Bet Mo: Vin Abrenica, Sophie Albert nagpakasal na makalipas ang 10 taong relasyon: ‘I have found the one whom my soul loves’

“I’m so excited when baby tiny comes!” ang tuwang-tuwang reaksyon ng panganay nilang si Avianna.


Kasunod nito, binanggit ni Sophie sa kanyang eldest daughter na si Avianna Celeste na knows na nila ang gender ng kanyang magiging kapatid. “Baby Tiny is a girl, Love!” sey ni Sophie.

Kuwento pa ni Sophie, nu’ng una raw ay inakala nilang boy ang kanilang second baby dahil ibang-iba ang experience niya noong ipinagbubuntis niya ang panganay na anak.

Chika ni Vin, “Sobra kasi ang daming signs. Alam ko kasi yung pregnancy mo (Sophie) with Av, our first. Sabi nila ganito yung bilog ng tiyan, tapos hindi bumababa. Kapag hindi bumaba iyan it’s a girl.”

Pagbabahagi naman ni Sophie, “For the first trimester, this is definitely better kasi I was really in hell with Ava’s first trimester. This one kahit papaano I could feel (okay), still a little bit (pain), may morning sickness was still all day.

“Now that I’m in my third trimester, parang mas napi-feel ko yung aches and pains in my body but I don’t know that’s because I’m also much older now, and we have a child.

“Ava kasi also, she’s starting to be like Ate,” sey pa ni Sophie. Marami na raw alam gawin nang mag-isa si Ava.


Sey naman ni Vin, “She wants everything na kaya niya nang gawin on her own, taking a bath sa sarili niya lang and even sa pagtulog.”

Singit ng aktres, “It’s so nice also to see her evolve na. Slowly seeing her an Ate. It’s bittersweet seeing your child mature.”

Samantala, hindi na raw nag-prepare sina Sophie at Vin ng bonggang gender reveal party dahil sinorpresa na sila ng pinuntahang clinic ng intimate celebration.

“We don’t need a gender reveal because when we go there (ultrasound clinic), parang nagpa-party na sila for you. May team boy, team girl.

“Nagpunta kaming tatlo lang ni Ava and pwede pala kayo pumunta ng buong angkan niyo,” sey ni Vin.

“You don’t really need poppers, gimmicks. You don’t  need that to enjoy knowing the gender. When you do it in  a place na intimate with family… it makes the experience nice kasi it’s just so intimate,” sabi naman ni Sophie.

Binati naman ang mag-asawa ng kanilang social media followers at celebrity friends kabilang na ex-sister-in-law ni Vin na si Kylie Padilla. Aniya, “Sisters… congratulations. Your family is beautiful.”

Noong July, 2024, ibinandera nina Sophie at Vin na madadagdagan na ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanilang family photo kung saan kitang-kita ang baby bump ng aktres.

“From three to four, our family is growing more! The secret’s out and we’re over the moon!” ang nakalagay na caption sa post ng celebrity couple.

Read more...