Proposal ni Khalil kay Gabbi fake news: Relax, you’ll know promise!

Proposal ni Khalil kay Gabbi fake news: Relax babes, you'll know promise!

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

PROMISE ni Gabbi Garcia sa kanyang fans and supporters, ibabandera niya sa buong universe kapag nag-propose na sa kanya si Khalil Ramos.

Yan ang sabi ng Kapuso actress matapos maintriga ang ipinost niyang mga litrato sa Instagram kung saan may napansing “something” ang mga netizens.

Nag-share ang Kapuso actress at events host sa IG ng mga pictures niya na kuha sa mga kaganapan sa kanyang personal life at career na may caption na, “Giving this 20 carousel post a try. life lately (smiley).”

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia gustung-gusto ang ginagawa ni Khalil Ramos sa daliri niya kapag magka-holding hands, ano kaya yun?

Sa comments section ng kanyang post ay marami ang nagkomento matapos mapansin ang suot niyang singsing, partikular na sa una niyang litrato.

May mga nagpalagay na engaged na sila ng kanyang boyfriend na si Khalil dahil nga sa suot niyang kumikinang na singsing.


Pero bago pa mag-post ng fake news ang mga netizen na mahilig magpakalat ng mga kasinungalingan sa social media ay agad na in-address ni Gabbi ang isyu.

“GUYZZZZ it’s a ring from my mom afaik, engagement rings should be on the left hand!!

“It’s my right hand u guyshhh relax babes you’ll know promise!!” ang paglilinaw ng Kapuso star.

In fairness, pitong taon na ngayong magdyowa sina Gabbi at Khalil at mukhang pang-forever na nga ang kanilang relasyon.

Sa isang interview, nabanggit ni Khalil na napag-uusapan na rin nila ni Gabbi ang pagpapakasal pero hindi pa ito mangyayari in the near future.

Basta ang feeling ng celebrity couple, sila na ang pinagtagpo at itinadhana.

Read more...