Sharon Cuneta bet magsulat ng libro, tungkol saan kaya?

Sharon Cuneta bet magsulat ng libro, tungkol saan kaya?

ANO nga kaya ang magiging laman ng nais na sulating libro ng Megastar na si Sharon Cuneta?

Base kasi sa kanyang nagdaang Instagram post ay ibinahagi nito ay nagbabalak ang singer na gumawa ng kanyang sariling libro.

“I think I am ready. To start writing my book,” saad ng Megastar.

Pagpapatuloy nito, “Just need to collect my thoughts, and slowly, but surely, begin.”

Nakiusap rin si Sharon sa kanyang mga supporters na sana ay ipagdasal siya dahil kasalukuyan pa siyang abala sa kanyang mga taping.

Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagsuporta sa nag-iisang MEgastar.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta mas na-in love pa kay Kiko kahit dumaan sa matitinding pagsubok

 

“An autobiography from Sharon Cuneta herself!!! Wow! What a novel idea! Without a doubt you can do it. Ikaw pa?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “”happy for you idol .keep it busy…please make no time for any negativity that makes you so sad…..”

“I usually get bored reading long stories or captions on social media platforms. But you always manage to make what you post always inteteresting. Kahit anong haba. I love your recent posts on FB. Somehow i sense a softer, calmer,relaxed Sharon… Just know, we are always here to support you,” sey naman ng isa sa post ni Sharon.

For sure ay nakaabang na ang mga nais sumuporta sa bagong gagawing project ng Megastar sakaling matuloy ang kanyang nais na pagsusulat ng libro.

Kung anuman ito, paniguradong maganda at galing sa puso ang mga magiging laman ng ilalabas na libro ni Sharon.

Read more...