Platong ginamit sa monggo ni Heart worth P15K: Nanampal na naman!

Platong ginamit sa monggo ni Heart worth P15K: Nanampal na naman!

Heart Evangelista at ang nilafang na mono

PINAGSASAMPAL” na naman daw ng kahirapan ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang masang Pinoy.

Pinagpiyestahan kasi ng mga netizens ang ipinost ni Heart sa kanyang Instagram page ng kakainin niyang monggo with chicharon na nakalagay sa isang soup plate.

Pero hindi nga lang basta-basta plato ang ginamit ng aktres sa kanyang monggo dish – isa itong Hermès Passifolia soup plate.

Base sa current exchange rates ngayon, nagkakahalaga raw ang Hermès Passifolia soup plate ng $270 o tumataginting na P15,089!

Baka Bet Mo: Vice Ganda kinontra ang contestant sa ‘Showtime’: ‘Wag mong sasabihing OK at masarap maging mahirap kasi hindi totoo ‘yan’

Siyempre, kanya-kanyang hirit ang mga netizens sa IG post ni Heart, at karamihan nga ay mas napansin at mas “nasarapan” daw sila sa paandar na plato ni Heart kesa sa nakahaing monggo.

Ayon sa isang nagkomento, sinampal na naman daw sila ng matinding kahirapan ng wifey ni Senate President Chiz Escudero dahil sa napakamahal na platong gamit nito sa paglafang ng monggo na favorite na ulam ng mga Pinoy tuwing Biyernes.

May nagsabi naman na kahit paano’y lumebel pa rin sila sa status ni Heart dahil kumakain din naman pala siya ng monggo with chicharon. Komento naman ng ilan, mas gusto nilang arborin ang plato ng aktres kesa lafangin ang naturang ulam.


Nariro ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa isang Facebook page.

“GANITO NA GANITO DIN AKO MAGLUTO NG MONGGOS KAYA LAGI AKONG PINAPAHALITAN KASI NAPAKA ARTE DW NG MONGGOS KO SABI NG LOLA KO HAHAHAHA!”

“Dapat tuyo nilagay sa Hermes plate may kamatis sarap lalo kumain.”

“Pag aq nagmonggo dami sahog.isa n dyan bagnet at smoke etag.”

“Hahahahah sarap nung pinggan hahaha!”

“Di Naman basihan Ang brand o plates Kung itoy branded o Hindi Ang mahalaga may pag kain at may malalagyan , kahit gano pa kamahal Yan di padin mag iiba ang nilagay , mananatiling MONGGO padin yan.”

“At least, kumakain sya ng monggo! Ang pinoy ulam, model na ng Hermes, galing!”

Maraming beses nang tinuksu-tukso ng netizens si Heart dahil sa mga mamahaling bagay na ginagamit niya sa bahay.

Pati nga ang alaga niyang Aspin na si Panda ay kinaiinggitan ng kanyang socmed followers dahil nga sa mga luxury brands na ipinagagamit nito sa aso. Komento nga ng ilang IG users, sana raw naging Aspin na rin sila tulad ni Panda.

Read more...