Kendra Kramer sa lahat ng atletang may pinagdaraanan: Keep going!

Kendra Kramer sa lahat ng atletang may pinagdaraanan: Keep going!

Kendra Kramer

MAS naiintindihan at mas tumaas pa ang respeto ngayon ni Kendra Kramer sa mga atletang Pinoy na ginagawa ang lahat para matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Excited na ibinalita ng anak ng celebrity couple na sina Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer, ang kanyang pagbabalik sa sport na swimming.

Nag-share ng ilang litrato si Kendra sa kanyang Instagram account na kuha sa pagte-training niya sa swimming. Dito inamin niyang may mga pagkakataong gusto na niyang sumuko.

Baka Bet Mo: Hidilyn dasal ang tagumpay ng Pinoy Olympians: Para sa Diyos at bayan!

“Hard work truly pays off. There are times when I feel like giving up, but those moments only motivate me to keep pushing forward,” simulang caption ni Kendra sa kanyang IG pictures.


“Mental toughness is incredibly important in sports, and I’m so grateful for my family, coaches, and friends who cheer me on and keep me going,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, nagbigay siya ng message para sa lahat ng atletang may mga pinagdaraanan at gusto na ring sumuko dahil sa matinding hirap na dinaranas.

“To all the athletes out there: KEEP GOING! Remember, AUDIENCE OF ONE always. Only you Lord!” pahayag pa ni Kendra.

Sandamakmak na comments naman ang nabasa namin sa makabuluhan at inspiring post ng anak nina Doug at Chesca. Narito ang ilan.

Mensahe ng tatay niyang si Doug, “Happy for you! 1 step forward. More to go!”

Sabi naman ng nanay niyang si Chesca, “Keep going!!! Keep working hard!!! Good job today!”


“Alam ko matagal tagal pa ito pero gustong gusto ko talaga siyang sumali sa MU. Sana she will consider that career path pag nasa right age na siya,” sey ng isang IG user.

“This girl is so blessed! She’s smart, beautiful, talented, truly devoted to God and most of all well loved by her supportive parents,” komento ng isa pang follower ni Kendra.

“Go Kendraaaa!!!”

“Proud of you ate Ken!”

“Bravo Kendra!! love your work ethic.”

“SO PROUD OF U.”

“Way to go Ken.”

Yan ang iba pang comments sa IG post ni Kendra.

Read more...