‘Single confinement policy’ ng PhilHealth tsugi na ngayong Setyembre

Single confinement policy’ ng PhilHealth tsugi na ngayong Setyembre

SA katapusan ng Setyembre, asahan na aalisin na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang single confinement policy.

Ito ang ipinangako ng presidente ng insurance agency na si Emmanuel Ledesma Jr. sa pagdinig ng Senado kaugnay sa health and demography, and finance.

Sa ilalim ng nasabing patakaran, ang admission at readmission dahil sa parehong sakit o procedure sa loob ng halos tatlong buwan ay isang beses lang babayaran.

Ayon kay Senador Bong Go, ang chairperson ng health committee, ang polisiya ay “illogical” o hindi makatwiran.

“Hindi mo mapipigilan ang pneumonia, hindi mo mapipigilan ang bleeding kapag maselan ‘yung pagbubuntis, hindi mo mapipigilan—pasintabi lang po sa inyong kumakain dito—kapag nagka-diarrhea tayo,” sey niya.

Baka Bet Mo: Resto sa Tagaytay barag na barag sa pet lovers; ‘sorry’ hindi raw sincere

Dagdag pa niya, “Bawal ‘yung single confinement policy ninyo, kalokohan po ‘yan. Napaka kalokohan, illogical po iyan.”

Dahil diyan, hinimok ng senador si Ledesma na tanggalin na ang single confinement policy sa PhilHealth.

“I need your commitment dito sa removal of single confinement policy. Pwede ba natin marinig [na] tatangalin niyo ‘yung single confinement policy?” tanong ni Sen. Go sa presidente ng ahensya.

Ang sagot naman ni Ledesma, “We commit before month end, Mr. Chair.”

Bukod diyan, nangako rin siya na tataasan niya ang benefit packages at ito ay ipatutupad sa katapusan ng Nobyembre.

Magkakaroon na rin ng dental packages bago matapos ang taong 2024.

“Commitment ‘yan po,” ani pa ni Ledesma sa pagdinig kamakailan lang.

Read more...