NANG makatanggap kami ng imbitasyon mula kay katotong Roldan Castro para sa launching ng grupong Magic Voyz ay agad pumasok sa isipan namin ang Masculados na isa ring all-male sing and dance group.
Plano sana naming itanong kung sila kaya ang hahalili sa pwestong iniwan ng grupong pinamahalaan ng namayapang direktor na si Maryo J. Delos Reyes sa launching nila na ginanap sa Viva Café kagabi.
Medyo nagpasabik ang Magic Voyz dahil naantala ang pagpasok nila kaya inaliw muna nina Marianne Saint, Ayah Alfonso, Justin Joyce, Yda Manzano, Rob Guinto, Skye Gonzaga at Krista Miller ang audience na talagang super enjoy sa performances nila.
Baka Bet Mo: Jeffrey Hidalgo sa erotic-thriller movie na ‘Lampas Langit’: Maraming sex scenes dito, kakabahan sila habang nanonood
Nabago ang tingin namin sa Magic Voyz na binubuo nina Jhon Mark Marcia, Juan Paolo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Ian Briones, Jace Ramos at Johan Shane nang mag-perform na sila on stage.
Una nilang kinanta at sinayaw ang “Wag Mo Akong Tigilan” at sabi namin, puwede silang ihalintulad noong nagsisimula pa lang ang grupong BGYO, VIXON at iba pang all-male P-pop group.
Okay ang stage performance ng Magic Voyz, mga nakangiti at pleasant silang panoorin kahit na may mga sexy dance number sila ay hindi malaswa kaya hindi sila maihahambing sa Masculados na nagpasikat ng “Jumbo Hotdog.”
Wholesome ang mga kinanta ng mga bagong talents ni Lito De Guzman tulad nga ng original songs nilang “Wag Mo Akong Tigilan” at “Bintana.” Kinanta rin nila ang OPM hits na “Honey My Love So Sweet” ng April Boys at “Mahal na Mahal” ni Sam Concepcion.
Bukod dito ay panalo rin ang cover songs na “Maybe This Time” (version ni Sarah Geronimo) at “24K Magic” by Bruno Mars na kinanta nina Jace at Johan na talagang pinalakpakan nang husto dahil bumirit sila nang todo.
At dahil bago pa lang ay mapapansing mahiyain pa ang ibang members, hindi pa bigay na bigay ang mga kilos pero pag nahasa na, naniniwala kaming lalaki rin ang pangalan ng Magic Voyz tulad ng ibang grupong sikat na ngayon.
Baka Bet Mo: BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!
Samantala, natanong ang manager ng Magic Voyz kung bakit bumuo siya ng all male sing and dance group gayung may mga project na sila sa Vivamax bilang mga artista.
“Nakaka-miss ulit ang mag-manage ng grupo. Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay. Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip bakit hindi ako mag-training ng mga boys na nag-lead na sa mga movies.
“Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” paliwanag ni Lito.
At kaya raw Magic Voyz ang ipinangalan sa grupo ay dahil inspired daw ito sa pelikulang “Magic Mike” ni Channing Tatum.
For booking and inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page. Maaari ring tawagan sa Viva Artists Agency at sa cell number na 09178403522.