Big Brother proud na proud kay Joshua: Malayo na ang narating mo!

Big Brother proud na proud kay Joshua: Malayo na ang narating mo!

Joshua Garcia at Julia Barretto

SUPER touched at tuwang-tuwa ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa mga papuring ibinigay sa kanya ni Big Brother.

Nabigyan uli ng chance si Joshua na makabisita sa “Pinoy Big Brother” house kung saan nakausap nga niya si Kuya bilang bahagi ng espesyal na episode ng “PBB Gen 11.”

Ipinalabas nitong nagdaang Lunes, September 9, ang naging reunion nina Joshua at Big Brother sa loob ng “PBB” house.

“Huwag mo naman akong paiyakin Kuys, parang bumabalik sa akin ‘yung before noong nandito ako sa bahay,” ang emosyonal na pahayag ng Kapamilya Star kay Kuya.

 Baka Bet Mo: Kim pinaiyak nina Vhong, Anne at Vice; super happy sa piling ni Paulo?

Kasunod nito, ibinandera nga ni Big Brother sa buong universe ang kanyang mensahe para kay Joshua na umaani ngayon ng magagandang comments dahil sa naging performance niya sa reunion movie nila ni Julia Barretto na “Un/Happy For You.”

“Nakikita ko na malayo na ang narating mo. Proud na proud ako sa iyo,” sabi ni Kuya kay Joshua.


Bago matapos ang pagbisita ni Joshua sa “PBB Gen 11” binigyan muna siya ng task ni Kuya na muling umakting kasama ang mga babaeng housemates gamit ang mga linyahan nila ni Julia sa “Un/Happy For You.”

Baka Bet Mo: Kim pinaiyak nina Vhong, Anne at Vice; super happy sa piling ni Paulo?

Pak na pak naman sa mga manonood ang acting portion sa naturang reality show ng ABS-CBN, at mukha namang nag-enjoy din nang bongga si Joshua.

“Nakaka-miss. Nakakatuwa ang housemate niyo. Ang bubuti nila,” sabi ni Joshua kay Big Brother.

Aniya, na-impress siya sa ipinakitang akting ng ilang housemates kabilang na sina JP, JM, Fyang at Jas.

Read more...