HOT topic ngayon sa social media ang biglang pagkawala ng Kapamilya actress na si Francine Diaz sa gaganaping “Marcos 107 Free Concert”.
Ngayong araw, September 10, gaganapin ang naturang concert na gaganapin Ferdinand E. Marcos Sr. Memorial Stadium bilang selebrasyon ng kaarawan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.
Sa naunang poster ay makikitang kasama ang larawan ni Francine sa poster kasama ang iba pang performers na sina Angeline Quinto, Pops Fernandez, Martin Nievera, Nina, Joseph Marco, Kelvin Miranda, Daryl Ong, at Rocksteddy.
Ngunit sa bagong poster na ibinahagi ni Congressman Sandro Marcos ay wala na ang dalaga.
Baka Bet Mo: Francine excited na sa college life: ‘The role model of her generation!’
“Join us for a night of music and fun at our free concert! All are welcome—come enjoy the show!” saad ni Sandro sa caption ng updated poster na wala na si Francine.
Hindi aman sigurado kung talaga bang totoo ang nasa naunang poster o baka nag-back out na lang last minute ang dalaga sa hindi pa malamang rason sa ngayon.
Marami sa mga netizens ang nag-react at nag-comment sa naturang poster.
“nahiya na tuloy si francine HAHAHAHA,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Thanks to the poster. At least I know now which artist/actors not to support going forward.”
“okay pass na pala muna ako wala ung asawa kong si francine diaz,” sey naman ng isa.
Nang bisitahin namin ang Instagram page ng Kapamilya actress ay may mga supporters itong nagtatanong patungkol sa concert.
“REAL BA YUNG M@RCOS CONCERT? Why Francine. Why?” usisa ng isang fan.
Wala namang nilalabas na pahayag o reaksyon ang kampo ng aktres maging ang organizers hinggil sa isyu.
Bukas ang BANDERA para sa pahayag at paglilinaw ng mga kampong dawit sa isyu.