Rosmar may sariling version ng ‘PBB’, dinogshow ng netizens

Rosmar may sariling version ng 'PBB', dinogshow ng netizens

NILARO ng mga netizens ang bagong trip ng social media influencer na si Rosmar Tan na magkaroon ng sariling version ng “Pinoy Big Brother”.

Nitong mga nagdaang linggo, usap-usapan ang bagong pakulo ng kilalang personalidad kung saan balak nitong magkaroon ng sariling reality show.

Mula sa pagsabay sa uso na pares overload at nag-viral na champorado, bet naman magkaroon ni Rosmar ng “R Big Sister’s House.”

Sa katunayan, nag-post pa ito sa TikTok tungkol sa kung paano sumali at maging housemate sa kanyang version.

Baka Bet Mo: Rosmar Tan na-scam ng P5M, life story ipalalabas daw sa TV: Kinasuhan ko

Ayon sa post, papasok sa kanyang bahay ang mapipili sa September 15.

Sey ni Rosmar, “May libreeeng bahay, kuryente, tubig, wifi, Air-conditioned room, sumikat at magkaroon ng maraming ENDORSEMENT kahit nasa Loob ka palang ng bahay? at mag uwi ng digits sa darating na PASKO? pag labas mo ng Bahay ni ate sa Tagaytay?”

Laughtrip naman ang naging comments ng netizens sa naturang post ng social media personality.

“Ano na naman ito, Rosmar!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “ang task nyo ay magpack ng mga order, magserve ng pares at champorado, at alagaan si yaya agie?”

“pwede po ba sa buntis, bata, at lactating mom?”

Hirit naman ng isa, “Ladies and gentlemen, let us all welcome, the queen of randomness herself, Rosmar.”

Base sa poist ay ngayong araw ang last day ng kanyang pagtangap ng 2-minute video bilang audition para sa nagnanais pumasok sa R Big Sister’s House.

Read more...