Kyle Echarri ayaw munang magdyowa: Baka masaktan lang ‘yung babae

Kyle Echarri ayaw munang magdyowa: Baka masaktan lang 'yung babae

Kyle Echarri

SA SOBRANG kabisihan dahil sa tuluy-tuloy na trabaho, wala nang panahon ang Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri sa kanyang lovelife.

Kahit nga raw ang pakikipag-date ay hindi na rin niya mapagtuunan nang pansin dahil sa kawalan ng oras because of his work.

“Hindi masyado (nakikipag-date). I have really not been exploring my romantic life, to be honest and it’s been like that for years naman talaga,” pag-amin ni Kyle nang tanungin ng BANDERA tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig.

Baka Bet Mo: Sister ni Kyle Echarri na may brain tumor sumailalim sa surgery: So far, all is well…

Sa ngayon daw ay hindi talaga niya priority ang magkaroon ng girlfriend dahil feeling niya mahe-hurt lang ang sinumang makakarelasyon niya ngayon.

“Para sa akin kasi, I don’t want to put myself in a position na baka masaktan lang kasi ‘yung babae kasi wala akong oras para sa kanya kasi wala rin naman akong oras sa sarili ko,” katwiran ni Kyle.

Esplika pa niya, “Kasi masyadong napamahal sa akin ‘yung trabaho ko, eh. So, I still got to have room for myself. How am I going to make time for a girl?”


Nauna na naming nasulat ang tungkol sa real score sa pagitan nila ni Andrea Brillantes lalo pa’t napakaraming nagsi-ship sa kanilang mga fans.

“Masaya naman po kami. Okay naman po kami. We’ve always just been friends. We’ve always been very good friends,” sey ni Kyle.

Pero may chance ba na maging sila sa tunay na buhay at sa likod ng mga camera? Or may naudlot nga bang pagtitinginan sa pagitan nila ng aktres?

Baka Bet Mo: Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

“Hindi ko po kasi masabi na hindi po nangyari dati, eh. So you know, I’m not gonna lie pero na-hint na rin ‘yan ni Blythe (palayaw ni Andrea) ‘yun. Alam naman ng iba it’s just something na hindi naman kailangan sabihin pero…” ang biting sabi ni Kyle.

“Basta mahal naman namin ang isa’t isa. We love each other in different ways. She will always be someone that I care about, someone that’s important to me, and I think vice versa. I think.

“Pero we appreciate each other, and we’re in the shift for the long run. I know we’re going to be together for a long time, and she’s very important to me,” sey pa ng aktor.

Ano nga ba ang mga qualities ni Andrea na nagustuhan niya? “Marami po pero isa po siguro sa ngayon, siguro ‘yung pinakagusto kong trait sa kanya ngayon ‘yung pagka-embrace niya sa independency niya ngayon.

“I’m so happy that she’s finally embracing being alone. She’s going to explore the world alone. She’s also very faithful, and I’m so proud of her now.

“I’m super proud of who she is right now, and I can’t wait to just keep wat­ching her grow,” paglalarawan pa niya sa dalaga.

Read more...