LALAKI ang magiging panganay ng sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao at mister na si Christopher Quimbo.
Ito ang ibinandera ng mag-asawa sa kanilang Instagram account, kalakip ang isang gender reveal video.
Mapapanood na ibinunyag nila ang gender ng kanilang baby sa pamamagitan ng paglalaro ng simulation golf.
Matapos tamaan ni Christopher ang club, may lumabas na blue smoke na ang senyales ay baby boy ang kanilang anak.
“BabyQ is a… [white heart emoji] #GenderReveal,” caption ng mag-asawa sa IG post.
Baka Bet Mo: Alodia, Christopher atat na atat nang maging mommy at daddy
Sa comment section, maraming celebrities and personalities ang natuwa sa exciting news ng couple.
Ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” messages ay ang celebrity events host na si Tim Yap, actress-model na si Joyce Pring, at singer-songwriter na si Yeng Constantino.
Nagkomento rin ang content creators na sina Vern at Verniece Enciso, Tricia Gosingtian, at Myrtle Sarrosa.
Magugunita noong Hunyo lamang nang kumpirmahin nina Alodia at Christopher na magkaka-baby na sila.
Ang anunsyo na ‘yan ay makalipas ang apat na buwan mula nang sila’y ikinasal sa Marriott Hotel sa Pasay City.
Sa dating interview, sinabi ng internet personality na nais niyang magkaroon ng dalawang anak –isang lalaki at isang babae.