Karylle maraming pinagdaraanan, naging sandalan si Amy Perez

Karylle madaming pinagdaraanan, sumandal kay Tyang Amy

ISANG emosyonal na Karylle ang napanood ng madlang pipol sa “It’s Showtime” nang magbigay mensahe sila sa kasamang si Amy Perez.

Nitong Huwebes, September 5, ipinagdiwang ni Tyang Amy ang kanyang kaarawan at bilang tradisyon sa noon time show ay isa-isa silang nagbigay ng birthday message.

At noong turn na nga ni Karylle na magbigay message ay hindi nito napigilan ang maluha.

“Hindi siguro alam ng lahat pero ang dami kong pinagdaanan recently and Tita Amy was completely there for me.

Baka Bet Mo: Tatay ni Karylle pumanaw na: He was always in for the fun!

“And I think sa ‘yo talaga ako humugot ng lakas. Napakahirap,” pagbabahagi ni Karylle.

Aniya, nang malaman raw kasi niya ang masamang balita ay kasalukuyan silang nagte-taping para sa “It’s Showtime”.

“I found out my bad news here in Showtime and I knew exactly who to tell kasi hindi ko rin gustong sirain ‘yung taping kasi kailangan nating magpasaya ng madlang people,” lahad ni Karylle.

Pagpapatuloy pa niya: “Pero salamat, knowing that you’re there for me everyday. Katulad nung pagkanta mo ng ‘Jesus, Thank You,’ naituro mo kay Seah ‘yong gratitude. Palagi lang tayo nagiging magpagpasalamat sa Panginoon at sa bawat isang nandito sa atin.”

Matatandaang noong Agosto lang nang pumanaw ang ana ni Karylle na si Modesto Tatlonghari. Pagkatapos ng pagkamatay ng ama ay nai-report naman ang pagpapaopera ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla na nagkaroon ng congenital condition.

Read more...