HUMAKOT ng parangal ang ilang Pinoy celebrities, pati na rin ang ilang local projects sa ContentAsia 2024 Awards!
Ang awarding event ay naganap sa Taipei, Taiwan noong Huwebes, September 5.
Isa sa big winner ay ang actor-politician na si Arjo Atayde na nakuha ang “Best Male Lead in a TV Programme/Series” dahil sa mahusay niyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa “Cattleya Killer.”
Ang pelikula naman nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon na “A Very Good Girl” ang “Best Asian Feature Film/Telemovie Bronze Award.”
Natanggap ng pelikulang “Firefly” ang Silver Award para sa “Best Asian Feature Film/Telemovie,” habang ang “All Out Sundays” ay kinilalang Bronze Award for “Best Variety Programme.”
Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!
Naiuwi ng youth-oriented show ng ABS-CBN na “Zoomers” ang Gold Award para sa “Best Asian Short-form Drama/Series.”
Hindi naman magpapatalo ang isang episode mula sa GMA na “Secret Slaves: A Jessica Soho Report on Human Trafficking” na nagwagi ng “Best Current Affairs Programme Made in Asia” for Regional Asia and/or International Markets.
Para sa kaalaman ng marami, 500 entries mula sa 13 Asian countries ang naglaban-laban para sa 27 categories.
Samantala, nagsilbing award presenters ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Kaila Estrada sa nasabing event.
Kung maaalala last year, ang ABS-CBN ang may pinakamaraming awards na nakuha mula sa Pilipinas at ang awarding event nito ay ginanap sa Bangkok, Thailand.
Ilan lamang sa mga nanalo riyan ay ang singing game show na “Everybody, Sing!” ni Vice Ganda, at ang pelikula nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na “An Inconvenient Love,” pati na rin ang TV series na “Dirty Linen” at “Flower of Evil.”