Bloom naloka, BINIverse ticket naging Martin Nievera concert ticket bigla

BINIverse ticket naging Martin Nievera concert ticket\

TILA na-wow mali ang isang Bloom (tawag sa mga supporters ng Ppop group na BINI) habang nasa proseso ito ng pagbili ng ticket para sa nalalapit na Grand BINIverse concert ngayong November 2024.

Sa halip kasi na maka-secure ito ng VIP ticket para sa concert ng BINI, bigla itong naging VIP ticket para sa nalalapit na concert ng Kapamilya singer na si Martin Nievera.

At dahil nga hindi naman ang concert ng Kapamilya singer ang nais panoorin ng Bloom na nakilala bilang si Kassy de Guzman ay sinubukan niyang ibenta online ang naturang ticket.

“Wts [Want to sell] lfb [Looking for buyers] mr martin nivera’s 42nd anniversary. (1) SVIP row 6 seat 1, September 27 2024 8pm,” saad ni Kassy.

Baka Bet Mo: Blooms umangal sa napakamahal na ticket ng BINIverse: Sobra naman!

Chika ni Kassy, nag-crash daw kasi ang website habang sinusubukan niya ang pagbili ng Grand BINIverse ticket.

“Reason for selling: nag crash yung site ko while trying to purchase biniverse day 3 then biglang na purchase namin is this ticket pls help me sell this po by retweeting ty po,” dagdag pa ng naturang Bloom.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang kanyang tweet.

“From Bini to Be My Lady HAHAHAHAHAHAH,” saad ng isang betizen.

Comment naman ng isa, “Gusto kong maawa pero sorry tawang tawa talaga ako.”

“BINI Lady just forget the past it’s time to mend your broken heart,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “from ’cause with you, boy, i’m going crazy u could be my baby, i could be your lady oh oh oh’ to ‘beee myyyyy ladyyyyyy’ real quick.”

Samantala. may mga Blooms naman ang nagsabi na kung ito ay epekto ng system glitch ay maaari niya itong i-report para maimbestigahan at makakuha siya ng refund sa nabiling ticket.

Read more...