Vicki, Hayden 7 years nang kasal: My rock, my partner, my bestfriend

Vicki, Hayden 7 years nang kasal: My rock, my partner, my bestfriend

Hayden Kho at Vicki Belo

FEELING blessed and lucky ang celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Hayden Kho.

Pakilig at inspiring ang anniversary message ni Vicki para kay Hayden na ipinost niya sa social media at pinusuan ng sandamakmak na netizens, kabilang na ang mga kaibigan nilang celebrities.

Nagse-celebrate ang celebrity couple ngayong taon ng kanilang 7th anniversary as a married couple pero sey ni Vicki dalawang dekada na silang magkakilala.

Sa kanyang Instagram page, nag-share si Vicki ng ilang litrato kasama ang asawa at anak nilang si Scarlet Snow kalakip ang sweet message niya para sa pinakamamahal at pinagkakatiwalaang asawa.

Baka Bet Mo: Hayden ibinuking ang nakakalokang sagot ni Vicki nang yayaing mag-date para sa kanilang 5th wedding anniversary

“As we celebrate our 7th year of marriage, I can’t help but look back and be so grateful to have you by my side,” simulang pagbati ni Vicki kay Hayden.

“How our incredible journey of almost 20 years has led to this moment. I knew from the moment we crossed paths that there was something special about you–– something that made me feel safe and loved like never before,” patuloy pa niya.

Inamin naman niyang dumaan din sila sa matitinding hamon ng buhay bilang mag-asawa pero palagi pa rin nilang pinipili at paligayahin ang isa’t isa. In fairness, mas marami pa rin naman daw silang pinagsaluhang “victories together.”

“We have grown together in ways I have never imagined, and for that I thank God everyday,” aniya pa.

Pinuri rin niya si Hayden bilang isang mabuti at responsableng tatay sa anak nilang si Scarlet at napakaswerte rin daw niya sa kanyang asawa na itinuturing din niyang best friend.

“You have been my rock, my partner, and my best friend. I feel so incredibly blessed for each day that passes and am so excited for all our journeys and adventures yet to come,” ang mensahe pa ni Vicki kay Hayden.

Baka Bet Mo: Relasyong Vicki-Hayden hot pa rin: We like to keep things SEXCITING!

Sa isang panayam, nabanggit ni Vicki kung ano ang sikreto sa matatag at solid na pagsasama nila ni Hayden, sa kabila nga ng kanilang age gap. Ang sagot niya, “open communication is the key.”

“I think the secret of our marriage is that we really, really communicate, and we like to keep things exciting and sexciting,” sabi ni Vicki.

Magkasama na raw sina Vicki at Hayden noon pang 2005 pero taong 2017 lamang sila nagpakasal matapos maghiwalay ng ilang beses.

Una silang nagpakasal sa pamamagitan ng civil ceremony na sinundan nang bonggang-bongga at star-studded  wedding na ginanap sa Paris.

Read more...