EMOSYONAL ang OPM icon at rapper na si Gloc-9 sa pagse-celebrate ng kanyang 27th anniversary sa entertainment industry.
Ramdam na ramdam ito ng kanyang supporters nang mabasa ang ibinahagi niyang saloobin sa social media hinggil sa kung anong magiging mensahe niya sa batang Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay.
Sa halos tatlong dekadang pananatili ni Gloc-9 sa Philippine music industry ay napakarami na niyang pinagdaanan at natutunan kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng blessings na kanyang natanggap pati na rin sa mga hamon ng buhay na kanyang hinarap at napagtagumpayan.
Baka Bet Mo: Gloc-9 binalikan ang eksenang pinagsabay ang pagiging rapper at service crew: ‘Bakit ka nagtatrabaho rito!?’
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng award-winning rapper-songwriter ang advice na ibibigay daw niya sa batang Gloc-9 kalakip ang throwback photo niya.
“Kung makakasalubong ko ang ako noon? Sasabihin ko sa Kanya, Tatagan mo ang Loob mo Lalo.
“Alagaan mong mabuti ang apoy na hawak mo. Mahalin mo pa lalo ang pangarap mo, dahil sa Tagal ng Panahon ang sulo ay magiging baga na lamang,” sabi ni Gloc-9.
Pagpapatuloy pa niya, “Ang lapis ay mapupudpod. Ang panulat ay mauubusan ng tinta. Ang malakas mong Katawan ay panghihinaan din.
“Ang tiwala at pagmamahal mo sa ibang tao ay makikita mo sa tambakan ng basura. Ang mga sigaw at palakpakan ay hihina,” ang makahulugan pa niyang sabi.
Baka Bet Mo: Gloc-9 muntik nang maging OFW, inalala ang hirap bago maging sikat na rapper
Dugtong ng rapper, “Pero ang higit sa Lahat sasabihin ko sa Kanya na Mag baon ka ng madaming pasasalamat dahil madami kang mga taong dapat pag abutan nito.
“Kayo ang Umaakay sa akin Palagi. MARAMING SALAMAT at hinatid ninyo ako hanggang 27 taon! Ako po si Aristotle Pollisco pero minsan ang tawag nila sa akin ay #gloc9 #makatasapinas (red heart, high five and Philippine flag emojis),” paglalahad pa ni Gloc-9.
Sunud-sunod naman ang natanggap niyang pagbati mula sa kanyang IG followers.
Mensahe ni Jerald Napoles, “Pagpupugay sa brader! Isang karangalan ang mabuhay sa panahon ng iyong mga obra. Salamat sa pagkakaibigan.”
Comment ng isang fan, “Salamat sa’yo sir. Idolo ka ng maraming tao! Salamat sa pagiging makata sa pinas lahat ng kanta mong makabuluhan ang bumuhay sa puso ng mga rapper at musiko!”
“Salamat din po Idol. binigyan mo kami ng inspirasyon na lummban sa buhay. Nawa’y bgyan ka pa ng Maykapal ng malusog na pangangatawan at malusog na isipan,” sabi ng isa pa.
Post naman ng kapwa rapper ni Gloc-9 na si Smugglaz na isa na ring aktor ngayon, “Labyu Mastaaa… ang isang buong ikot ng kwento mo ay inspirasyon, aral, at gabay para sa mga naapuyan mo din dito Mastaaa.
“‘Kasi tandaan na tatanda ka, maiiwan ang mas bata… pero bago ko bitawan ang mikroponong ito sisiguraduhin kong di nyo makakalimutan ang pangalan ko – G9.'”
Mensahe naman ng kanyang management na Asintada, “It has been nearly three decades since the esteemed @glocdash9 first entered the scene. Your influence has inspired many individuals, including fellow rappers and the loyal fans who have supported you for 27 years.
“Congratulations on reaching your 27th anniversary in the music industry, @glocdash9!”
Nitong nagdaang June, ni-release ni Gloc-9 ang bago niyang album titled “Sari-Sari Story” produced by Raymund Marasigan ng Sandwich at Eraserheads.
“Ang inspirasyon ko sa album ay parang title na rin. Pinilit namin ni Kuya Rayms na ma-identify yung title ng album. Mas naging madali for me paano ko siya nalatag ng ganoon.
“Mas madali for me to write songs under the umbrella of Sari-Sari Story, na mas mag-isip ng iba’t ibang kuwento so parang may mas uniformity na sa pagpili namin ng topic,” aniya pa.