Cristy Fermin na-shock sa rebelasyon ni Sandro kung paano siya hinalay

Cristy Fermin na-shock sa rebelasyon ni Sandro kung paano siya hinalay

Sandro Muhlach, Jojo Nones at Richard Cruz

SA NAKARAANG hearing ni Sandro Muhlach sa Senado para sa reklamo niya sa dalawang independent contractors ng GMA ay nagkuwento siya kung ano ang ginawa sa kanya pagkatapos ng GMA Gala 2024.

Ang tinutukoy nga rito ay ang mga akusado na sina Jojo Nones at Richard Cruz na sinampahan ng rape through sexual assault ni Sandro.

Sa report ng “Showbiz Now Na” host na si Nanay Cristy Fermin kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika ay binanggit ng una na tagapagtawid lang sila ng balita.

“Mga katsika palawak na po nang palawak (at) palaki na nang palaki ang mga impormasyong nalalaman natin at ng publiko tungkol sa kaso ni Sandro Muhlach,” sabi ni Nay Cristy.

Baka Bet Mo: Balitang nabuntis ni Aljur Abrenica si AJ Raval fake news daw, talent manager umalma: Nasa shooting siya at nag-aaksyon

Susog ni Romel Chika, “Ito ‘yung unti-unting lumalabas na at kung ano ang mga nagawa at ginagawa.”

“Bagama’t hindi natin alam kung ano talaga ‘yung laman ng pormal na inihaing reklamo ni Sandro sa DOJ (Department of Justice) (at) dito sa pagdinig sa senado kahit paano ay nakakukuha na tayo ng inclination o mga impormasyon kung ano ang naganap,” say pa ni ‘Nay Cristy.


Dagdag pa ni CSF (inisyal ni ‘Nay Cristy), “Iba ‘yung mga narinig na natin katulad ng mga diretsong tanong kay Sandro Muhlach kung ano talaga ang naganap nu’ng gabing ‘yun at ang nakakapag-isip talaga ay ‘yung droga. Yung pagkabanggit ng 500 peso bill na tinuruan daw siya ni Jojo at saka ni Dode na pakawalan sa isang (butas) ng ilong at singhutin ang isa, parang ganu’n.”

Ipinakita ang video ni Sen. Jinggoy Estrada na tinanong si Sandro kung ano ang ipinagawa sa kanya at sinagot ito ng binata ng, “Tinuruan po niya ako kung paano gamitin, ang sabi po niya sa akin ilabas ko raw po ang lahat ng hangin on the other side tapos sa substance sisinghutin lahat gamit ang 500 peso bill.”

Baka Bet Mo: Sandro sa rape: Hanggang ngayon po diring-diri ako sa sarili ko!

Sabi ni Nanay Cristy, “Parang ganu’n kasi hindi naman natin alam ang proseso diyan ng mga nagaganap at nu’ng pumasok nga raw siya (Sandro) sa kuwarto ay lasing na lasing daw si Dode at si Jojo raw ang nagbigay sa kanya ng wine at naghain nga nu’ng white substance doon sa mesa, tapos ano ang nangyari?”

Nang marinig daw ni ‘Nay Cristy ang kuwento ni Sandro ay, “Para akong napako sa kinauupuan ko nu’ng magsabi si Sandro through zoom ‘yun ha dahil hindi pa rin niya gustong makita ‘yung dalawang tinutukoy niya na nanghalay sa kanya.

“Naano ako (nagulat) sa sinimulan daw siyang i-suck ‘yung kanyang nipples na ang sakit-sakit sabi niya siguro sobrang… (gigil sabi ni Romel Chika) puwede baka may kagat pang kasama or parang sa sanggol na pilit na inuubos ‘yung gatas kaya masyadong madiin.

“Tapos daw si Jojo ‘yung nagtanggal ng kanyang pantalon at doon na raw halinhinan ang ginawa ni Jojo at ni Dode ‘yung kahalayan.

“At sa kuwentong nakakarating sa atin halinhinan (ng) dalawang tao sa isang lalaki parang halos matanggal (private part),” sabi pa ni Nay Cristy.

Seryosong nakikinig sina Wendell at Romel Chika na nagulat at reaksyon ng huli, “Kung iisipin mo ang kuwento (singit ni ‘Nay Cristy, kung totoo) at ilalagay mo ang sarili mo parang napakahirap ng dinanas niya.”

Paliwanag pa ni Nay Cristy, “Pero siyempre hindi aaminin ni Jojo at ni Dode na ganu’n ang eksaktong naganap nagbilin pa nga raw kay Sandro ng, ‘what happens here stays here’ parang ganu’n.


“Sabi ni Jojo ay hindi pa nila alam kung ano ang kabuuan ng demanda o kaso ni Sandro, mai-incriminate sila on the ground kaya napaka-pamoso po ng linyang ‘Your Honor I would like to invoke my right to self-incrimination.

“Kasi nga kung ganu’n ang naganap madidiin silang masyado kaya sabi nga, ‘yung pong mga akusasyon nandoon na po ang mga detalye sa kaso sa DOJ kaya hindi siya nagsasalita,” sabi pa.

Ipinagdiinan pa ng CFM host na napakasakit ng nangyari kay Sandro kung totoo nga ito.

Ipinakita ang video na inilabas ng NBI na kuha sa hallway ng hotel na may petsang July 21 sa ganap na 6:46 a.m., “Kaya pala iika-ika ‘yung bata ay groge at napasalampak. Ganu’n naman ang groge di ba iika-ika kung totoo nga ‘yung sinasabi niya (Sandro) na pinagtulungan siya,” paglalarawan ni Nay Cristy.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Jojo at Dode tungkol sa kuwento ni Sandro sa nakaraang hearing sa Senado.

Read more...