Richard sa viral hugot sa EDSA: ‘It’s about traffic management’

Richard sa viral hugot sa EDSA: ‘It's about traffic management'

PHOTO: Facebook/Richard “GOMA” Gomez

“IT was my opinion and reklamo at that moment.”

Ito ang naging bungad ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez nang tanungin siya ng NewsWatch Plus kaugnay sa nag-viral niyang traffic post kamakailan lang.

Magugunitang maraming netizens ang bumatikos sa kanya matapos ibandera ang kanyang pagkadismaya dahil sa malalang traffic sa Metro Manila.

Paglilinaw pa ni Rep. Richard sa text message niya sa nasabing media outlet, “I don’t use a hagad or a mobile backup for me to go swiftly through traffic. More than that I don’t use the bus lane.”

“I just find it silly that with so much traffic and the lane is not much utilized when it was needed during that time of traffic,” paliwanag pa ng actor-politician.

Baka Bet Mo: Richard Gomez tinawag na ‘ungas’ ang mga writers matapos ang viral traffic post

Dagdag pa niya, “My sentiment was the very bad traffic. My destination from our house as what Google Maps said was only 5.2 kilometers away. But it took me almost 3 hours to get there.”

Sinabi rin ni Richard na ang kailangan sa EDSA ay magkaroon ng maayos na traffic management.

“Take a look at the skyway—why is it at certain times of the day or depending on the volume of traffic they use the other side of the road for Counterflow Traffic? This is to alleviate the load of traffic congestion,” aniya sa nasabing text.

Para sa mga hindi aware, ang mga pwedeng gumamit sa exclusive bus lane ay mga on-duty na ambulansya, fire trucks at Philippine National Police vehicles.

Pinapayagan ding dumaan dito ang ilang government officials, kabilang na ang pangulo, senate president, speaker of the House of Representatives, at chief justice ng Supreme Court.

Ang mga motorista na mahuhuling lumabag sa batas ng nasabing bus lane ay may parusa na aabot sa P30,000.

Bukod diyan, pwede ring masuspinde o kuhain ang driver’s license at required mag-attend ng safety seminar.

Read more...