PALABAS na sa mga lokal na sinehan ang kauna-unahang documentary film ng P-Pop kings na SB19.
Pinamagatan itong “Pagtatag! The Documentary” na tungkol sa mga pinagdaanang hamon sa kanilang karera, pati na rin sa mga isinasagawang tour sa iba’t-ibang bansa.
Bukod diyan, ibabandera rin ang ilang never-before-scene moments nila bilang grupo.
“Part of what makes the film even more special is that it doesn’t sugar-coat the learnings and experiences that we’ve endured during the entire era of the PAGTATAG! tour and album release,” pagbabahagi ng SB19 sa isang press statement.
Baka Bet Mo: SB19 nilabas na ang bagong EP na ‘PAGTATAG!’, ano nga ba ang paborito nilang kanta?
Dagdag pa, “The year-long run was filled with multiple setbacks that added mental and emotional distress. But as the title explains it best, the documentary will show how we bounced back from the adversities in life and career, and how we managed to mount a series of shows despite going through a lot of internal and collective struggles.”
“We hope that through this movie, we will be able to inspire our A’TIN to become stronger and more resilient when they face a similar ordeal in a not-so-distant future,” anila.
Ikinwento rin ni Pablo, ang lider ng grupo at Chief Executive Officer (CEO) ng 1Z Entertainment, na dati pa nilang gustong mag-produce ng isang documentary upang ipakita ang ilang kwento sa likod ng entablado.
“We’re grateful to First Light Studios and Jed Regala for helping us turn our vision into a Reality,” sey ni Pablo.
Wika pa niya, “We’re lucky to have a team that understands the power of collaboration.”
Ang exclusive screenings sa mga lokal na sinehan ay ipapalabas hanggang September 1, Linggo.