SB19 aminadong tumataya ng lotto: Bonding po namin!

SB19 aminadong tumataya ng lotto: Bonding po namin!

TULAD ng maraming mga Pilipino, maging ang isa sa mga sikat na Ppop group na SB19 ay tumataya rin ng lotto.

Sa kanilang interview sa “Fast Talk With Boy Abunda”, inamin ng boy group na noon pa man ay madalas na nila itong i-try.

“Guilty or not guilty, tumaya sa lotto?” tanong ni Boy sa SB19.

Maririnig naman ang sabay-sabay na pagsagot ng “guilty” ng grupo.

Baka Bet Mo: SB19, BINI kinilalang ‘Voice of Asia’ ng Billboard, rumampa sa South Korea

Proud na pagbabahagi pa ni Stell, “Bonding po namin yon dati.”

Dagdag pa ni Pablo, “Bonding po namin yon!”

Tila hindi namangha naman si Tito Boy sa natuklasan sa SB19.

Pagbabahagi ni Stell, sa may Magallanes pa nga sila madals tumaya.

“Before kame sumikat, at ako hanggang ngayon kapag mataas yung ano jackpot just in case lang diba wala naman masama,” kuwento pa ng isang member ng SB19 na si Josh.

Nasubukan rin daw nila ang mga scratch it cards.

Chika pa ng leader ng SB19 na si Pablo, “Pero yung biruan po namin ‘Kung hindi man tayo sumikat at least manalo tayo sa lotto.'”

Aliw na aliw naman ang mga supporters ng grupo sa bagong natuklasan sa kanilang favorite boys.

“Tapos pag mataas ang jackpot nagbantay ang a’tin sa lahat ng lotto outlet hinanap si josh,” comment ng isa.

Sabi naman ng isa, “Ang tagal ko nang fan ng SB19. Akala ko alam ko na lahat. Bakit hindi ko alam tooooo?”

Read more...