Jojo Nones nag-sorry kay Jinggoy, inatake raw ng stress, anxiety

Jojo Nones nag-sorry kay Jinggoy, inatake raw ng stress, anxiety

Jinggoy Estrada at Jojo Nones

NAG-SORRY ang independent contractor ng GMA 7 na si Jojo Nones kay Sen. Jinggoy Estrada na sinagut-sagot niya sa naganap na Senate hearing kahapon.

Na-bad trip uli kasi si Sen. Jinggoy kay Nones dahil sa patuloy na pagtanggi nito sa mga tanong hinggil sa umano’y panghahalay niya at ni Richard Cruz kay Sandro Muhlach.

Ayon kay Nones, inatake raw kasi siya ng anxiety at stress habang nagaganap ang pagdinig sa pangunguna nga nina Sen. Jinggoy at Sen. Robin kaya naapektuhan na rin ang kanyang “judgment.”

Baka Bet Mo: 2 GMA exec na inakusahan ni Sandro ng sexual abuse umapela sa publiko

Sa pamamagitan ng isang liham na naka-address sa opisina ni Sen. Robin, ang chairman ng Committee on Public Information and Mass Media, humingi si Nones ng paumanhin sa kanyang inasal lalo na ang pagsagut-sagot kay Sen. Jinggoy.


Narito ang buong laman ng sulat ng isa sa mga akusado sa kaso ni Sandro.

“I am writing to sincerely apologize for my conduct during the Senate hearing earlier today.

“I recognize that my words and tone may have come across as disrespectful, and I deeply regret allowing my emotions to get the best of me.

Baka Bet Mo: Sandro namanhid nang ‘painumin’, ‘pasinghutin’: Hinila po ako sa bed

“The anxiety and stress I’ve been experiencing due to my detention unfortunately clouded my judgment, and I did not express myself in the manner intended.


“I am committed to ensuring that my future interactions will reflect the respect and professionalism that your positions deserve.

“Thank you for your understanding, and I hope to demonstrate through my actions that this was an isolated incident.”

Simula pa noong August 19 naka-detain si Nones sa Senate of the Philippines matapos siyang patawan ng contempt dahil sa umano’y patuloy na pagsisinungaling sa hearing.

Wala sa pagdinig ang isa pang akusado na si Richard Cruz dahil isinugod daw ito sa ospital dahil sa “gastrointestinal bleeding.

Read more...