PARA kina Piolo Pascual at Jasmine Curtis-Smith, walang masama kung minsan ay kinakausap mo ang iyong sarili.
Ito ang inihayag ng dalawang Kapamilya stars nang magkaroon ng press conference para sa thriller drama film na “Real Life Fiction.”
Para sa mga hindi aware, ang bagong pelikula ay tungkol sa isang sikat na aktor na may pinagdadaanang mental health problem na kung saan ay hindi na niya matukoy kung ano ang tunay na nangyayari sa hindi.
At upang makumpleto ang kanyang healing process, ginawan niya ito ng movie hango sa kanyang mga pinagdadaanan sa buhay.
Isa sa mga naitanong ng BANDERA kay Piolo at Jasmine ay kung ano ang nais nilang iwang aral sa mga manonood matapos masaksihan ang proyekto.
Baka Bet Mo: Jasmine, Piolo sa matinding sexy scenes sa ‘Real Life Fiction’: ‘So much fun!’
“If there’s a message, I guess, it’s not abnormal to be talking to yourself. It’s not abnormal to acknowledge and just you know, question your thoughts and the things that’s running through your head,” sey ng veteran actor.
Paliwanag niya, “But you also to have the grasp of reality kasi sometimes kapag wala kang makausap, you kind of believe your own thoughts and kailangan meron kang nasasabihan, so ‘yun ang message for me as a character na nagkaroon siya ng blurred line because he was into his head, he was using his own world na even his girlfriend, hindi alam ‘yung pinagdadaanan niya because he made his life more complicated by choice.”
“So I guess, this is the question of how are you gonna deal with yourself, having to deal with your own demons and where you’re gonna go from there,” aniya pa.
Para naman sa aktres, important na kilala mo ang iyong sarili upang hindi mawalay ng landas.
“Talk to yourself and also look for the people that can also support you. You might look crazy, you might sound weird but honestly it does help. I feel I do that nowadays kapag umuuwi ako galing taping, kapag nafa-frustrate ako sa pinagdaanan ng character, kapag hindi pa ako tapos umiyak, kinakausap ko ang sarili ko sa salamin at sinasabi ko, ‘okay hanggang work lang ‘to. Tapos na. Pack-up na. Nakauwi ka na.’ And I have to set that boundary clear,” chika ni Jasmine.
Sambit pa niya, “It’s as easy as that but it is very, very important I think so that you will not get lost in your work, you will not get lost in your career.”
May umusisa rin sa dalawa kung ano ang sikreto nila na napaghihiwalay nila ang personal na buhay sa work life.
Wika ni Piolo, “At the end of the day, you need to wake up to a new day and be somebody else…There are a lot of blurry moments, but you have to deal with it and live with it as much as you can because you don’t have any choice.”
“But you know, be the person that people expect you to be, be that person or be that character,” esplika pa niya.
Hirit naman ng aktres, “There blurry stages that come and go, especially – for example right now, I am doing a show for almost a year already, we’ve been taping for a year and we’ve been airing for almost eight months, and I can easily separate that role. Because number one, I am not married, I have no children so those are easily distinguished for my life and my roles’ life.”
Ang “Real Life Fiction” ay mula sa direksyon ni Paul Soriano at ito ay ginawa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa dalawa, tampok din diyan sina Epy Quizon at may special participation din diyan ang filmmaker na si Lav Diaz.
Produced by TEN17P, Viva Films, Spring Films and distributed by Black Cap Pictures, ang “Real Life Fiction” ay mapapanood exclusively sa SM Cinemas nationwide sa August 28.