Barbie Almalbis may kanta tungkol sa ‘struggles’, pagbabago ng katawan

Barbie Almalbis may kanta tungkol sa ‘struggles’, pagbabago ng katawan

Barbie Almalbis

MATAPOS maglabas ng single last month, nag-release muli ng bagong kanta ang batikang singer-songwriter na si Barbie Almalbis.

Ito ang “homeostasis” na magiging parte rin ng kanyang upcoming fifth album na ilalabas sa Disyembre.

Ang salitang homeostasis ay nagmula sa isang biyolohikal na termino na naglalarawan sa regulating process ng katawan bilang isang paraan upang mag-adjust sa pagbabago ng external conditions.

“I’m no scientist, so I’m using this concept very loosely and explaining it in the simple way I understand it,” paliwanag ng pop-rock visionary. 

Patuloy pa niya, “It’s the process by which our body always returns to equilibrium, a balanced state, like how we involuntarily sweat when we’re too hot and shiver when we’re too cold. It’s the same with emotions: our body doesn’t want us to stay too ecstatic or too sad; it tries to bring us back to a steady state.”

Baka Bet Mo: Sigaw ni Barbie Almalbis: There are many expressions of being a woman

Inamin din ni Barbie na kasalukuyan siyang sumasailalim sa napakahirap na yugto ng kanyang buhay at para mailabas niya ang kanyang “frustrations” ay ginawan niya ito ng kanta.

“Homeostasis was giving me hope that everyday my body is going to adapt. I’d feel less and less terrible in time, because it has that built-in function,” sambit ng veteran singer.

Bukod diyan, nabanggit din niya na ang tumulong sa pag-aarange at mag-produce ng bagong single ay ang constant collaborator niya na si Nick Lazaro.

“I’ve been interested in that dance pop/rock genre for a while. I had some songs like Run For Cover and Wicked Heart, but I love how Nick was able to do it this way, where the rock and edgy sound is more present; it kind of sounds closer to how we play these songs live too,” pagbabahagi niya sa isang pahagay.

Ang “homeostasis” ni Barbie ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide.

Read more...