San Juan City vet sinuspinde, kinasuhan sa ‘kapabayaan’ sa city pound

San Juan City vet sinuspinde, kinasuhan sa 'kapabayaan' sa city pound

PHOTO: Instagram/@pawsphilippines

MAKALIPAS ang ilang linggo, may update na ang San Juan City kaugnay sa naging isyu sa city pound noong nanalasa ang Bagyong Carina sa bansa.

Magugunitang naging usap-usapan sa social media ang ilang viral pictures nito na makikitang iniwan at hinayaang malunod sa baha ang mga aso’t pusa habang nakakulong, at ang ilan naman ay namatay dahil sa lamig.

Bilang marami ang nag-aantay sa kung ano ang nangyari sa imbestigasyon ng siyudad, naglabas na ng official statement si Mayor Francis Zamora noong Miyerkules, August 21.

Ayon sa Facebook post ni Mayor Francis, sinuspinde at sinampahan na niya ng kaso ang beterinaryo at tatlong iba pa na empleyado ng nasabing animal pound.

“Upon my instructions, the City Legal Department quickly initiated an investigation to determine if the involved government employees can be charged administratively. The CLD subsequently recommended the filing of a formal charge with the grievance and disciplinary committee against the city veterinarian which I have already approved,” saad sa pahayag ng alkalde.

Baka Bet Mo: Carla wasak ang puso sa mga papataying aso sa Bacolod City Pound; ubos na ang donasyon, wala nang gustong mag-adopt

Esplika pa, “I have placed him under preventive suspension to ensure that he will not be able to influence the investigation. Charged as well are three permanent employees. One job order employee was immediately terminated.”

Bukod sa parusang ipinataw sa mga sangkot sa kapabayaan ng San Juan City pound ay nangako si Mayor Zamora na ililipat nila sa mas ligtas na lugar ang mga aso’t pusa.

“The city government is moving to relocate the Animal Pound to a safer location to prevent future incidents and improve conditions,” dagdag niya.

Aniya pa, “These decisive actions reflect Makabagong San Juan’s unwavering commitment to transparency, accountability, and the well-being of all its residents.”

Matatandaang nauna nang kinondena ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang San Juan City pound dahil sa kapabayaan at hindi magandang pagmamaltrato sa pet animals na kanilang ikinulong. 

Isa rin sa mga umantabay sa magiging aksyon ng lokal na pamahalaan ay si Senador Grace Poe. 

Sa isang pahayag, iginiit ni Poe na dapat magsilbing “haven for animals” at hindi isang “death traps” ang government-funded animal shelter.

“They should be lifesavers of abandoned animals that may have chances of getting rehomed and cared for,” wika niya.

Read more...