MATAPOS sumailalim sa surgery dahil sa appendicitis, pinayuhan si Darren Espanto ng mga doktor na maghinay-hinay muna sa matitinding activities.
Kilala kasi ang Kapamilya actor at singer na halos wala ring pahinga sa pagtatrabaho at talagang laging all-out ang performance sa mga live shows.
Baka Bet Mo: BTS member Jimin nag-positive sa COVID, inoperahan din dahil sa acute appendicitis
Naikuwento ni Darren ang naging karanasan niya nang makaramdam ng matinding pananakit sa kanyang lower right abdomen, noong nasa flight na siya pabalik ng Maynila mula sa “ASAP” tour nila sa Amerika.
“So a few hours bago mag-land sa Manila, naramdaman ko pagka-gising ko sa plane na masakit na ‘yung parang lower right part ng stomach ko,” ang pahayag ng binata sa panayam ng ABS-CBN.
Aniya pa, “Akala ko gutom lang, gas or parang ulcer or food poisoning. Pero hindi eh, parang bearable pa po ‘yung pain.”
“Tapos nu’ng nag-land na, pagpasok sa car, hindi na talaga. I was really in pain. Hindi po ako ‘yung usually nagpapadala agad sa ospital or nagsasabi pag may masakit. Pero ‘yun talaga, iba na po,” kuwento ni Darren.
Dito na siya isinugod sa ospital at nalaman nga na meron siyang appendicitis, “Ang bilis ng mga pangyayari. Pagka CT-scan sa akin, x-ray and everything, ooperahan na ako agad. Wala na ‘kong choice. First time kong magkaroon ng ganung operation, but I felt nothing.”
Baka Bet Mo: Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!
Ano nga ba ang naging cause ng pagkasira ng kanyang appendix? “Indigestion po. Wala po siyang masabing cause kung where it came from specifically. But it’s indigestion, ‘yung kakain ka tapos hihiga ka, or sasayaw, oily food, ‘yung movement mo sa stomach mo ay irregular na.”
At habang nagre-recover daw siya, ang payo ng doktor, “Bawal sumayaw for one month, mag-gym ng one month, mga strenuous activities. I’m just glad na it happened after ‘ASAP,’ after my concert.”
Buti na lang daw at sa October pa ang “Magpasikat” showdown nila sa “It’s Showtime” at mabibigyan pa siya ng pagkakataon na maka-recover. Kasama siya sa Team nina Vhong Navarro, Amy Perez at Ion Perez.
“I never would have imagined na magiging part ako ng ‘Magpasikat’ team, kasi dati nag-guest lang ako sa ibang teams before, naging hurado and now I’m actually part of one of the teams.
“Kinakabahan but very excited as well. Kasi kahit ano pwedeng mangyari,” sey pa ni Darren sa naturang panayam.