Alice Guo pinagtripan ng netizens: Nasa Shenzhen sorting center

Alice Guo pinagtripan ng netizens: Nasa Shenzhen sorting center

DOGSHOW na naman ang atake ng mga netizens patungkol sa balitang nakatakas na umano sa bansa ang dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa katunayan, ang naturang balita ay isa sa mga trending topics sa X (dating Twitter).

Chika ng mga netizens, nasa Shenzhen sorting center na raw si Alice.

Ang Shenzhen Sorting Center ay isang lugar sa China kung saan dinadala at sino-sort ang mga online orders at ipinapadala ito sa iba’t ibang bansa, kasama ang Pilipinas.

Baka Bet Mo: Alice Guo nakaalis na ng Pinas, nag-‘family reunion’ sa Singapore?!

Matatandaang una nang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na nakaalis na sa bansa si Alice at gamit pa raw nito ang pasaporte ng Pilipinas.

Bagamat nakakabahala ang balitang ito ay marami pa rin sa mga netizens ang hindi mapigilang gawing light ang sitwasyon.

“JUST IN: Alice Guo has arrived at Shenzhen Sorting Center. #NakaALICEnasiya #WhereDidSheGUO,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa,”Nasa Shenzhen Sorting Center lang yun. Siya na pumick up ng parcel niya.”

“Sa sobrang galing ng ating mga ahensya magmanman, ayun, naka-Alice pa rin si Alice sa ‘Pinas at nakapagta-Guo. Ngayon, sigurado ba silang nasa Malaysia sya o baka naman napunta na sa Shenzhen Sorting Center?!”

“Baka naman naka bubble wrap na si mayor alice go, atty, kaya di nacheck ng immigration HAHA, as someone posted on fb, she’s arriving na daw at shenzhen sorting center HAHA LT,” hirit pa ng isa.

Samantala, taliwas sa naunang ulat ay sinabi ng Department of Justice (DOJ) at abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na nandito pa rin daw sa Pilipinas si Alice Guo.

Read more...