Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse
HINDING-HINDI na mananahimik ang baguhang young actor na si Sandro Muhlach matapos umanong ma-rape ng dalawang independent contractor ng GMA 7.
Iyan ang pangakong binitiwan ng panganay na anak ni Niño Muhlach after niyang humarap virtually sa Senate hearing kahapon na pinamunuan nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.
Ito’y konektado pa rin sa isinampang rape at acts of lasciviousness case ni Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice (DOJ).
Matapang na nag-post si Sandro sa Facebook ng quote card na may nakasulat na, “I will not be silenced. The truth will prevail.”
Wala mang detalyeng nakalagay, pinaniniwalaang may kinalaman pa rin ito sa paulit-ulit na pagdedenay nina Nones at Cruz sa ginawa umanong pang-aabuso sa kanya.
Baka Bet Mo: Sandro sa rape: Hanggang ngayon po diring-diri ako sa sarili ko!
Pagpapatuloy ni Sandro, “What you did to me, it wrecked me.
“Hirap na hirap ako makatulog since it happened. Anxiety and ptsds (post-traumatic stress disorder syndrome) are hard to beat.
“Everyday akong hina-haunt ng trauma ko.
“Ayokong mangyari sa iba yung ginawa sakin kaya sinabi ko sa kapatid ko na sana wag mangyari sa kanya yung nangyari sa akin kasi hirap na hirap na ko,” aniya pa.
Kasunod nito, muling nabanggit ng anak ni Niño ang bahagi ng statement niya sa pagharap sa pagdinig ng Senado hinggil sa mga kasong isinampa niya laban kina Nones at Cruz.
“Diring-diri pa rin ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sakin.
“I’m trying my best to be okay para hindi mag-alala yung pamilya ko lalo na yung mommy ko na nasa amerika na araw-araw umiiyak dahil sinisisi niya ang sarili niya na malayo siya at hindi ako naprotektahan. But the truth is hindi ako okay,” lahad ng binata.
Dugtong pa ng Sparkle artist, “Thank you to all my friends and family who always check up on me. I really appreciate it.
“Ang laban ko ay para din sa lahat ng inabuso. The truth will prevail,” sey pa niya.
Sa huli, nag-post din siya ng isa pang quote mula sa Instagram page ng theunsilentsurvivor, “1 out of 6 Men are sexually assaulted or abused. You are not alone.”