NAKAKALOKA! Ayaw talagang tantanan ng mga bashers at haters ang girlfriend ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose.
Kumakalat kasi ngayon sa social media ang isang lumang video kung saan ini-interview siya ng content creator na si Tiyo Bri.
In fairness, talagang nahalungkat pa ng mga netizen ang naturang video kung saan diretsahang tinanong si Chloe ni Tiyo Bri kung ano ang mas bey niya — “broke guy na daks” o “mayaman na juts.”
Baka Bet Mo: Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe
Sa mga hindi masyadong aware, ang tinutukoy sa question na broke guy ay lalaking walang pera pero may maipagmamalaking kargada habang ang “juts” naman ay yung mga guys na maliit na nota.
Natatawang sagot ni Chloe, “Mayaman na lang na juts.”
Sunod na tanong sa dyowa ni Carlos, “Kung ikaw ay aklat, kelan ka huling binuklat?” Na sinagot ni Chloe ng, “Kahapon!”
Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng netizens na nakapanood sa naturang video. Yung iba pa nga ay bastos at below the belt na ang pinagsasabi.
Pero sa isang hiwalay na video na napanood namin kung saan ini-initerview si Tiyo Bri, sinabi nitong matagal nang nangyari ang tanungan nila ni Chloe at fun-fun lang daw yun.
Baka Bet Mo: Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw talaga niya kay Chloe
Sobra naman daw kasi ang comments ng ilang netizens sa naging sagot ni Chloe, talagang sineryoso raw nila ito nang bonggang-bongga.
Samantala, ibinahagi naman ni Chloe ang Facebook post ng partner ng Filipino boxer Hergie Bacyagan na si Lady Denily Digo hinggil sa pagkakaroon ng dyowang atleta.
Ang nakasaad sa FB page na “Hergie & Lady”, hindi raw madali ang maging partner ng isang atleta. Marami ang nagsasabing pera lang ang habol sa kanila at siya ring dahilan ng pagkatalo ng mga atleta dahil nahahati ang panahon nito sa career at lovelife.
“Una’t sa lahat, di po marami ang pera ng atleta ng Pilipinas Kelangan po nila maka-medal para magkaron ng medyo disenteng allowance.
“Kulang pa po para sa mga supplements, proteins & nutritious food na need nila monthly. If magkaron man po sila ng incentives, di naman din po ganon kalakihan unless world competition yan just like Olympics. Pero dekada ang kelangan mo bago ka makarating sa Olympics.
“Andiyan suporta sa trainings from coaches & NSA para lumakas ang katawan nila at mas gumaling sila sa skills nila. Pero wala po silang psychological support para mas maging mentally strong & emotionally prepared sila sa bawat laban. Kaya partner po nila ang in-charged diyan.
“One thing that is very challenging is the emotional rollercoaster ng bawat atleta. Yung highs of victories at yung lows of defeats may impact yan samen mga partners. Pero we need to act strong kasi di kame pwede maging mahina sa harap ng mga partners namen, kasi samen sila humugot ng tapang.
“Essential ang role namen bilang partner because their body should be as strong as their mind and this requires a strong support system coming from their partners.
“Demanding din ang schedule ng mga athletes, minsan birthday, pasko or anniversary, wala sila kasi bakbak sila sa training. So madalas, mag isa kame sa mga lakad at mga importanteng okasyon.
“Another is, wala po ginagastos ang PSC sa mga partners ng atleta. Sariling pera po namen ginagastos namen, kaya kelangan din namen kumayod ng sarili nameng pera para makasama at makasuporta kame sa mga partner namen. Imagine, plane ticket, hotel/airbnb at food pa namen, kahit nga po ticket sa Olympic game nila own expense din namen.
“Hahaha wala naman ako pinaglalaban, naawa lang ako sa mga partners na nahuhusgahan.
“Marami sakripisyo, haba ng pasensya at matinding suporta ang binibigay namen sa mga partner namen na atleta, Kaya wag kayong judgemental,” ang sabi pa sa FB post.
Ni-repost nga ito ni Chloe sa kanyang Facebook account at nilagyan ng caption na, “Couldn’t be more accurate, thank you for this ate Hergie & Lady.”