KILIG much ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa mga naging pahayag tungkol sa kanya ng bagong karelasyong si Jericho Rosales.
Maraming natuwa pero may mga kumontra rin ng aminin ng dalawang Kapamilya stars na totoong nagde-date sila at maligayang-maligaya raw sila sa piling ng isa’t isa.
Sa isang panayam kay Janine, natanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya sa mga papuring ibinigay sa kanya ni Jericho bilang tao at bilang isang aktres.
“That’s sweet to hear and I am super excited to work with him. Siyempre lahat naman tayo hinahangaan natin siya bilang artista,” ani Janine.
Baka Bet Mo: Michael Pacquiao na-bully dahil sa kanyang itsura: ‘They would make fun of my face, my name, tsaka backstab me’
At tungkol naman sa kanilang pagkakamabutihan, “He’s really nice and funny and sobrang okay siyang kausap.
“Of course, everybody knows he’s such a good actor and na-enjoy ko din yung mga eksena namin together which is funny cause most of the scene we taped nagaaway kami.
“Masaya na off camera, it’s the opposite. I think he’s great. It’s been fun getting to know and hanging out with him outside of work. Masaya naman,” kuwento ng dalaga na ang tinutukoy ay ang bago nilang teleserye.
Nauna nga rito, inilarawan ni Echo si Janine bilang, “She’s an amazing person, very sweet, very kind, very funny, and very dedicated.
“She’s a good actress and we just share a lot of things in common and we thought ‘hey you’re fun, I’m fun, we’re fun, let’s go to the museum,” sey pa ng aktor. Ang museum na nabanggit ni Echo ay ang viral photos nila ni Janine na kuha sa isang museum.