Xian hindi invited sa GMA Gala Night kaya nag-abroad kasama GF, true ba?

Xian hindi invited sa GMA Gala Night kaya nag-abroad kasama GF, true ba?

PHOTO: Instagram/@xianlimm

KAYA pala hindi nahagip ng TV camera sa nakaraang GMA Gala Night ang aktor-director na si Xian Lim ay dahil hindi naman pala siya imbitado.

Ito ang chika ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Tiat Jegs na mapapanood sa Youtube.

Simula ni Ogie, “Talaga naman daw hindi ini-invite ng GMA si Xian Lim?  Totoo ba ‘yun? Hayan tinatanong natin hindi po namin kinukumpirma pero ‘yun po ang umiikot na usap-usapan.”

Tuloy pa ng showbiz insider, “Si Xian Lim ay hindi raw in-invite sa GMA Gala at hinanap daw ni Xian Lim kung nasaan ang kanyang invitation at nagpa-follow up pa rin si Xian Lim hanggang sa madiskubre niyang hindi siya talaga in-invite. Kaya ang ginawa na lang daw ay nag-abroad sila ng kanyang girlfriend na si Irish Lee.”

Hirit ni Tita Jegs, “Nag Gala naman pala ‘the.”

Baka Bet Mo: Nadine Samonte hindi nakapasok sa GMA Gala 2024, wala sa guest list?

“Gaga wala nga ‘di ba?” kaswal na sagot ni Ogie.

“Sa abroad (tila hindi na-gets ni Ogie), gumala sa abroad,” katwiran ni Tita Jegs.

“Ah gumala…’yan ay hindi pa malinaw. Ang importante ay marinig natin kay Xian Lim kung ano ba ang totoo tungkol dito,” sey pa ni Ogie.

Tanong ni Mama Loi, “Eh kung talagang hindi siya invited ‘nay? Bakit nga ba hindi siya na-invite, e, ‘di ba may mga proyekto siya sa GMA?”

“Oo nga, ako rin nagtataka, e, ang dahilan daw ay hindi nila gusto ‘yung attitude ni Xian Lim ng mga prod (production) staff.  Ang dami ng balit-balita kay Xian Lim (kaya) magandang malinawan ’yan,” sabi ni Ogie.

Parang paulit-ulit na lang ang balitang maraming may ayaw sa ugali ni Xian Lim na nagsimula pa ito noong nasa Kapamilya network pa siya at kaya siya napunta ng Viva Artists Agency ay sa dahilang hindi ni-renew ng Star Magic ang kanyang kontrata na hindi binanggit ng aktor noong contract signing niya sa Viva.

Nalaman lang namin ang tunay na dahilan nang maka-chikahan namin ang mga taga-Star Magic.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig o kampo ni Xian Lim tungkol sa isyung ito.

Read more...