IKA nga nila, “laging nasa huli ang pagsisisi.”
‘Yan ang mismong nangyari sa content creator na si Jeff Jacinto o mas kilala bilang si Ileiad matapos magsampa ng reklamo ang veteran actor na si Mon Confiado dahil sa kanyang fake post.
Ayon sa ulat ng Rappler, nag-reach out sa kanila via email si Jeff matapos i-deactivate ang kanyang social media accounts upang ipaliwanag ang kanyang side.
Inamin ng vlogger na sobra siyang nagsisisi sa kanyang ginawa at ibinunyag na nagmakaawa na siya sa aktor sa pamamagitan ng chat.
“He messaged me, asking me to take it down, but to my mistake, I didn’t and instead explained that it was a copypasta, and that it wasn’t my intention to ruin him,” sey niya sa online news website.
Baka Bet Mo: Mon Confiado pinaratangang magnanakaw: Joke pero nakakasira ng tao?
Para sa kaalaman ng marami, ang “copypasta” ay parang meme pero sa anyo ng text na kina-copy paste upang maging agaw-pansin sa maraming netizen.
Sinabi rin ni Jeff na isang malaking pagkakamali na hindi niya agad binura ang viral post nang sinita ito ni Mon.
Gaya ng nauna naming isinulat, ito rin ang sinabi ng aktor sa kanyang post at dahil nga hindi ito binura ay nagbabala siya na gagawan niya ito ng hakbang sa legal na paraan.
Aminado si jeff na hindi raw siya “sincere” nang humingi siya ng tawad sa aktor dahil nais lang niya makaligtas that time.
Sinabi rin ng content creator na hindi niya inaasahang lalaki ang isyu na ito.
“Not foreseeing the repercussions, I wish I could have just taken it down the moment I saw him [Confiado] in the comments,” saad niya at idinagdag na hindi niya kilala personally si Mon.
Magugunitang naging usap-usapan ang batikang aktor sa socmed matapos kumalat ang chikang hindi ito nagbayad ng kanyang biniling tsokolate sa isang grocery store.
Mabilis na umaksyon si Mon na kung saan ay ibinandera niya ang viral post sa kanyang Facebook at pinabulaanan ang ibinibintang sa kanya ni Ileiad.
Hindi rin naman ito pinalampas ng aktor at tumungo siya sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes, August 12, para ireklamo si Jeff alyas Ileiad ng kasong cyberlibel.