Ate Vi tinuruan makipaghalikan si Nonoy Zuñiga sa harap ng camera

Ate Vi tinuruan makipaghalikan si Nonoy Zuñiga sa harap ng camera

BONGGA ang rebelasyon ng OPM legend at hitmaker na si Nonoy Zuniga tungkol sa nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Inalala ni Nonoy ang naging unang pagsabak niya sa larangan ng pag-arte halos apat na dekada na ngayon ang nakararaan.

Kuwento ng veteran singer, nakasama at nakatambal niya si Ate Vi sa pelikulang “Never Ever Say Goodbye” na ipinalabas noong 1983 mula sa direksyon ni Gil Portes.

Iyon ang kauna-unahan niyang experience sa aktingan kaya wala pa talaga siyang alam sa pag-arte. Sey ni Nonoy, mismong si Ate Vi pa ang nagturo sa kanya kung paano gawin ang “cinematic kiss.”

Baka Bet Mo: Vilma Santos itinangging pinayuhan si Claudine Barretto na magdemanda

“It was a wonderful experience with Vilma. Siya actually ang nagturo sa akin how to act and also the cinematic kiss,” pag-amin ni Nonoy sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Patuloy pa niya, “That was my first movie actually at wala akong alam and then they just said ‘Noy, kiss Vilma.’

“So, hindi ko alam paano i-kiss kasi nahihiya ako kay Vilma. Tapos they laughed at me. So si Vilma naman, tinuruan ako ng cinematic kiss,” natatawang kuwento pa ng beterano at iconic singer.

Kasalukuyang napapanood si Nonoy bilang isa sa mga hurado sa “Tawag Ng Tanghalan” ng It’s Showtime sa ABS-CBN at GMA 7.

Read more...